IN GOD WE TRUST
D'Simon 10-Ball Marlon Manalo Cup sa Lopez, Quezon ngayon
DADAYO ang mga magagaling na bilyarista sa Southern Tagalog sa pagtumbok ng 1st D'Simon 10-Ball Marlon Manalo Cup ngayong weekend sa Lopez, Quezon
SPORTS
Ni Danny Simon
2/6/20261 min read


DADAYO ang mga magagaling na bilyarista sa Southern Tagalog sa pagtumbok ng 1st D'Simon 10- Ball Marlon Manalo Cup ngayong weekend sa Lopez, Quezon.
Ang naturang torneo na sasargo sa bagong gawang bilyaran ni David Simon sa Lopez,Quezon ay todo suportado ni billiards icon, international billiards/ snooker gold medalist Kap.Marlon ' Marvelous' Manalo sa pakikipagtulungan ng PF Tonite at Gilas News.
Ayon kay event organizer Cam Simon, handa na ang mga dayo mula Bicol at lokal na bilyarista sa Quezon at mga pambato ng Lopez.
Laan sa torneo ang impresibong papremyo at pagkakataong maka-tumbukan si legend Manalo sa Pacman Cue Cup na itatakda matapos ang kampeonato.
" Maraming salamat sa suporta ni idol Marlon Manalo.Excited na lahat para manalo sa pagsargo ng Manalo Cup", wika ni Simon.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
