E-Sports in the future

Iba na ang mga kabataan ngayon. Dahil sa internet at iba pang makabagong teknolohiya ay madalang na ang mga bata naglalaro sa lansangan ng habulan, tumbang preso, taguan, syato at iba pa.

SPORTS

Atty. Ariel Inton

9/3/20241 min read

Iba na ang mga kabataan ngayon.

Dahil sa internet at iba pang makabagong teknolohiya ay madalang na ang mga bata naglalaro sa lansangan ng habulan, tumbang preso, taguan, syato at iba pa. Ngayon daliri na lang ang gumagalaw sa mga laro gamit ang mga computers at cellphone. Ito ang mga video game na tinatawag na e-sports.

At darating ang panahon ang e-sports ay hahalo na sa mainstream sports at baka maging Olympics event na rin. Pero dapat bang ituring na sports ang e-sports?

Sa mga pabor dito sinasabi na ang paglalaro ng video games o e-sports ay nangangailangan din ng skills. Kailangan ding pag isipan ang strategy at may pressure din sa players. Hindi man physical ay mental skills din kailangan para manalo. Ngayon ay milyon -milyon na ang sunusubaybay sa DOTA.

Sa kabilang panig may mga nagsasabi na hindi puwedeng maturing ang e sports na sports "because of lack of physical activity". Tulad sa chess ay nakaupo lang ang player. May mga health issue concerned din dahil sa nakakasira daw ng mata at marami pang iba ang e- sports.

Marahil ay ang mga tao sa future na makakapag- decide niyan kung ang e-sports ay ituturing na sports o ang e sports na ang papalit sa traditional sports at mga robots na ang mga players na maglalaro. Mga cyborg o mala terminator na.

Pero dahil malayo pa tayo sa ganoong panahon sanay bigyan pa rin halaga ang isang pangunahing rason kung bakit may sports- for humanity and world peace.