IN GOD WE TRUST

EASTERNERS HANDA NA SA GIYERA NG 15TH EAST ASIA BASEBALL CUP SA MANILA

HANDA nang humataw ang mga magkakaratig- bansa pero magkakaribal na Thailand,Indonesia ,Hongkong,Vietnam,Singapore at host Pilipinas para sa prestihiyosong East Asia Baseball Cup sa susunod na buwan ng Disyembre sa makasaysayang Rizal Memorial Baseball Stadium na nasa Maynila.

SPORTS

Ni Danny Simon

11/10/20261 min read

HANDA nang humataw ang mga magkakaratig- bansa pero magkakaribal na Thailand, Indonesia, Hongkong,Vietnam, Singapore at host Pilipinas para sa prestihiyosong East Asia Baseball Cup sa susunod na buwan ng Disyembre sa makasaysayang Rizal Memorial Baseball Stadium na nasa Maynila.

Ang Philippine Baseball team na perenyal na kampeon sa Southeast Asian Games at defending champion din sa EABC ay may matinding hamon sa mga karibal nito na nagsagawa ng komprehensibong preparasyon upang tapatan at talunin ang Pinoy batters para sa titulo.

Matinding karibal ng Pilipinas ang Thai batters at Indonesian sluggers na may reinforcement players upang tapatan tao sa tao ang malakas na 'Hataw Pilipinas' sa torneo ng East Asia.

Inorganisa ang yearending tournament ng Philippine Amateur Baseball Association (PABA),may basbas ng Baseball Federation of Asia (BFA) at inihahandog ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ang historic RMBS diamond na sumailalim sa komprehensibong renobasyon ay handa na ito para sa paghataw ng EABC na nasa ika-15 nang edisyon.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...

Your message goes here