IN GOD WE TRUST
ECO WARRIORS VS CLIMATE CHANGE!
IBA na ang panahon ngayon.
OPINION
ni DANNY SIMON
5/7/20262 min read


IBA na ang panahon ngayon.
Tindi na ng init kahit di tag-araw at sobrang lamig kahit sa mga tropikal nang lugar, ang mga dating hindi dinadaanan ng bagyo ay delubyo na ang rumaragasa na sumisira ng kabuhayan, buhay at ari-arian ng pamayanan habang ang mga bitak nang lupa ay nagyeyelo na rin bunga ito ng kapabayaan at pananamantala ng tao.
Panahon na para kumilos nang nararapat ang sambayanan kaya sari-saring organisasyon na ang mga nabuo upang labanan ang ngingit ng kalikasan para sa bagong henerasyon ng ating mga kabataan.
Sa inilunsad kamakalawang adbokasiya vs Climate Change in Action sa RTU quadrangle na dinaluhan ng iba't - ibang Climate Change Warriors kabilang na ang ECO Warriors na binuo ni G.Arturo B .Lumagod na pinamunuan ni Engr.Basala mula Davao de Oro katuwang sina advocators Barry Agpoon at Ding Agpoon.Pastor Edwin Salve at Ms. Roa ng Davao, Rez Cortez ng Mowelfund at ang inyong lingkod sa media ay ikinasa na ang komprehensibong pagkilos para maging luntian muli ang kapaligiran tulad ng pagtatanim ng puno, segregasyon ng mga basura at anumang kapaki-pakinabang na gawaing makatutulong sa kapaligiran at mapigil ang mga negatibong epekto dulot ng climate change.
Ito ay simula lang ayon kay pinunong Art na layuning maging nationwide ang adbokasiya na magtatagumpay lamang sa suporta ng lahat ng konsernadong mamamayan...Narito na ang Eco Warriors...ABANGAN!
Special mention kina G. Jason Kalaw, Brig.Gen . Gerardo Zamudio, Dr.Albert dela Cruz, Assoc Donato Estocada, John Paul Callejo na mga pangunahing personahe sa launching ng historic event at Dr. Rodolfo Ducut, Richard Nixon Gomez at Dr. Kristine Opulencia ng host RTU. MABUHAY KAYO!!!




Eco Warriors in huddle!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
