IN GOD WE TRUST

ENCUENTRO NG MGA DAYUHAN KONTRA PILIPINO NGAYON SA GVC-SPONSORED PEC'49 SEARCH FOR MORE HEROES NI CATALAN

NGAYON na ang sandali ng katotohanan para sa sasambulat na Philippine Encuentro Championship( PEC) '49 Search for more Heroes sa Catalan Fighting System Gym sa Makati City.

SPORTS

Ni Danny Simon

2/28/20262 min read

NGAYON na ang sandali ng katotohanan para sa sasambulat na Philippine Encuentro Championship (PEC) '49 Search for more Heroes sa Catalan Fighting System Gym sa Makati City.

Ayon kay event organizer Asian Games wushu gold medalist Doha 2006 Rene Catalan, bakbakan na ngayon ang pinakamatinding match-up sa pagitan ng foreign at pambatong Pinoy.

Tampok sa main event ang paghaharap nina local bet Adrian Bulado laban kay Mexican pride Adrian Sanchez sa sagupaang sudokwan.

Susundan ito ng boxing main event ng protagonistang sina Erwin Huen vs Elbert Bernardino at ang tiyak na umaatikabong banggaan sa MMA super main event nina Pinoy pride Jimmy Balderas kontra Vader Alsaljah ng Saudi Arabia.

Mauna sa kanila ang unang salang ng Mehikanong si Sanchez laban kay Reymart Wasith sa MMA.

Maglalaban sa KI main event sina Steve Fagsao vs Eljie Tario at ang inaabangang encuentro nina Pinoy bet Carl Villones kontra Sloan Venter ng South Africa.

Lahat ng dayuhan na kalaban ang Pinoy pride ay pawang nangangako ng bakbakang bandera ng kanilang bansa ang nakawagayway pero di sila papayagan ng local heroes na nangakong sila ang mamamayagpag sa giyera sa ruweda.

" Heto na ang matinding laban ng Pilipino vs the world, banggaan na!," wika ni Catalan kasabay ng kanyang pasasalamat sa tagataguyod ng kaganapan na Goldpro Ventures Corporation(GVC) sa pakikipag- ugnayan ni Dra. Brookeshield Imperial.

PEC Faceoff: Ph vs Saudi

PH vs South Africa

PEC Faceoff: PH vs Mexico

Supported by GVC