Esposo ng 'Pinas coach ng Penang Ping Pong..salamat TATAND!
MALAKI ang pasasalamat ng beterano ng Southeast Asian Games at dating national coach na si Julius Esposo sa Table Tennis Association for National Development (TATAND) na tumulong sa kanya na manatiling aktibo sa paglalaro at makakuha ng trabaho bilang coach para sa junior team ng Penang, Malaysia.
SPORTS
Danny Simon
5/4/20241 min read


MALAKI ang pasasalamat ng beterano ng Southeast Asian Games at dating national coach na si Julius Esposo sa Table Tennis Association for National Development (TATAND) na tumulong sa kanya na manatiling aktibo sa paglalaro at makakuha ng trabaho bilang coach para sa junior team ng Penang, Malaysia.
Si Esposo, isang bronze medalist noong 2005 SEAG edition sa Maynila, ay patuloy na umunlad sa kanyang mga kasanayan at pagtuturo ng mga batang atleta sa pamamagitan ng walang humpay na programa ng TATAND sa grassroots level.
“TATAND helps me to improve not just my skills but nurturing my knowledge in coaching and organizing tournaments at grassroots level. I doffed my hut to TATAND particularly to Boss Charlie (Lim) and Sir Philip (Uy),” sambit ni Esposo.
Si Esposo ay kasalukuyang coach ng Penang Table Tennis Team youth team, na lumahok sa katatapos lang na World Youth Contender Championship sa Puerto Princesa, Palawan. Ang kanyang batang ward, si Lim Xi Qiam, ay nagtapos sa ika-16 sa Under-17 at Under-19 girls classes.
“She is only 15 years old, pero maganda na ang galaw. Sana, makuha siya sa national team ng Malaysia for next year’s SEA Games,” ani Esposo.
Bukod sa kanyang coaching stint sa ibang bansa, abala rin si Esposo sa pag-aayos ng dalawang nalalapit na malalaking local tournaments – ang 2nd Toto Paul Fishbroker Cup International Table Tennis Invitational sa Mayo 30-31 at ang 2023 World School Games qualifying tournament sa Hunyo 1-2. Parehong nangyari sa Ayala Malls sa Fairview, Quezon City.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato