IN GOD WE TRUST

Ex Speaker Martin Romualdez tatakbo pa ring presidente ?

Noong hindi pa umiinit ang usapin ng flood control scam at nakaupo pa siya na Speaker ng House of Representatives ay siya na ang tinitingnan na maaring pambato ng mga BBM supporters bilang presidential candidate sa 2028. Loyal ang halos lahat ng congressmen sa kanya at tila ayos sa pinsan niya na siya ang sumunod na presidente. Bakit hindi? Kumpleto rekado naman siya kung tatakbo nga siya.

OPINION

ATTY. ARIEL INTON

8/7/20261 min read

Noong hindi pa umiinit ang usapin ng flood control scam at nakaupo pa siya na Speaker ng House of Representatives ay siya na ang tinitingnan na maaring pambato ng mga BBM supporters bilang presidential candidate sa 2028. Loyal ang halos lahat ng congressmen sa kanya at tila ayos sa pinsan niya na siya ang sumunod na presidente.

Bakit hindi? Kumpleto rekado naman siya kung tatakbo nga siya. Pero nagbago ihip ng hangin noong naging pangunahing suspect siya sa trillion pesos flood control scam.

Bagamat itinatanggi niya na siya ang mastermind ay naramdaman ng Malacan̈ang na hindi puedeng hindi panagutin si Romualdez " sa ngayon".

Sabi pa nga ni BBM sa SONA niya ay nalulungkot siya dahil dito.

At ang OMBUDSMAN naman ay nagsabi na " under preliminary investigation na si Romualdez.

Totoo na kaya ito? O we are missing something here?

Inabot ng isang taon bago masampahan ng kaso si Romualdez.

Pero sa ngayon ay hindi siya nakakulong. Maaring ma- dismiss din ng Ombudsman ang kaso niya. O ang isampa na kaso ay hindi plunder para makapag pyansa pa rin si Romualdez.

Kamakailan ay binawi ng apat sa mga ex marines ang salaysay nila laban kay Romualdez. Maaring gagamitin ng mga abogado ni Romualdez yan para pa dismiss ang kaso laban sa kliente nila.

In the meantime , ay lamang pa rin si VP Sara sa mga survey sa pagkapangulo. Ang pangalawa ay si Naga City Mayor Leni Robredo. Pagkakatiwalaan kaya ng kampo ni BBM si Leni na hindi madedemanda si BBM at iba pa sa flood control scam kung manalo si Leni?

Ngayon ang pink at mga loyalista ay magkasiping pa dahil may common enemy sila - VP Sara.

Sa akin palagay si Romualdez pa rin ang " sikretong " kandidato ni BBM sa pagka presidente "Kailangan lang mawala si Romualdez sa flood control scam. Habang si VP Sara naman ang dinudurog nila , ay nawawala sa radar ng korapsyon si Romualdez.

Malayo pa naman ang 2028.

Ang senyales niyan ay pag na- dismiss ng Ombudsman ang kaso laban kay Romualdez o kaya hindi plunder ang isampa laban sa kanya.

Mahirap paniwalaan na walang plano ang mag pinsan.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...