IN GOD WE TRUST
Fare hike, Fuel subsidy at iba pang hakbang para tulungan ang public transport
PINAG-AARALAN at tinitimbang mabuti ng LTFRB ang mga petisyon para sa fare hike ng mga transport groups. Hindi lang kasi dagdag pasahe ito kung hindi dagdag gastos din sa mga pasahero.
OPINION
ATTY. ARIEL INTON
7/26/20261 min read


PINAG-AARALAN at tinitimbang mabuti ng LTFRB ang mga petisyon para sa fare hike ng mga transport groups. Hindi lang kasi dagdag pasahe ito kung hindi dagdag gastos din sa mga pasahero.
At ano ang magiging impact nito sa ekonomiya?
Hangga’t maaari na hindi magtaas ng pasahe ay mas mainam kung tatanungin ang mga pasahero. Pero paano naman ang hanapbuhay ng mga taga transport sector? Matagal na rin yun kahilingan nila ng fare hike.
Maliban sa masusing pagaaral ng LTFRB, sinabi din ni Atty Vigor Mendoza na " the agency is also considering sustaining, expanding, and possibly increasing the existing fuel discout program as an alternative measure. Sa kasalukuyan ay may sampung piso kada litro fuel discount ang mga jeep at UV Express.
Kung sakaling ma itaas at mapalawig ang fuel subsidy at may ayuda pang maibibigay ay malaking bagay ito sa transport. At maiiwasan mag taas ng pasahe. Ang tanong nga lang ay kaya pa ba ng pamahalaan at kung sasapat ito.
Sa LCSP, ay suportado ang resonableng pansanantalang taas pasahe kung sakaling maitaas at pagbibigyan ito ng LTFRB. Pero kung sasapat naman ang ayuda at fuel subsidy ay ito muna para walang dagdag gastos ang mga pasahero.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
