Fernandez, Catubig lumiliyab sa Philippine National Games
Nagpakitang gilas sa Day 3 ng 2023 Philippine National Games finals sina Quendy Fernandez ng Puerto Princesa at Lyka Labrica Catubig ng Davao sa 2023 Philippine National Games finals, kahapon.
SPORTS
Danny Simon
12/21/20232 min read


Nagpakitang gilas sa Day 3 ng 2023 Philippine National Games finals sina Quendy Fernandez ng Puerto Princesa at Lyka Labrica Catubig ng Davao sa 2023 Philippine National Games finals, kahapon.
Kinampay ni 18-year-old Fernandez ng Puerto Princesa ang pang-limang gold medal matapos mag reyna sa women’s 200-meter backstroke na ginanap sa swimming pool sa PhilSports sa Pasig.
Si Fernandez na pambato ng University of the Philippines at reigning UAAP Rookie MVP ang unang athlete matapos ang Day 3 competition ang sumikwat ng quintuple gold medal sa nirehistrong dalawang minuto ang 29.52 seconds.
Malakas na sinimulan ni Fernandez ang kanyang kampanya sa unang dalawang araw nang sikwatin nito ang gold medals sa 50m at 100m backstroke, 50m butterfly at 200m medley relay kung saan ay nakipagkampihan siya kina Maglia Jay Dignadice, Pearl June Daganio at Cindy Fernandez.
Tinakbo naman ni Lyka Labrica Catubig ang pangalawang gintong medalya matapos dominahin ang 5,000m Under-20 women's division sa athletics kahapon din sa PhilSports track & Ffield oval.
Isinumite ni 19-year-old Catubig ang tiyempong 19 minuto at 26.84 segundo sapat upang ungusan sina Katrina Almuete Salazar ng Pasig (silver) at Mary Rose Frias ng Pangasinan (bronze).
Nauna nang nasilo ni Catubig ang ginto sa Day 1 sa 3,000m walk.
Ang ibang nagpasiklab sa track and field ay sina national team na sina Junel Sergio Gobotia, (men’s steeplechase) at Evalyn Palabrica (women’s javelin), Naga’s Melquisedec Manto (men’s 5000m), at Bohol’s Diana Rysiamie Hurano (women’s long jump).
Sa chess, ipinakita ni WIM Kylen Joy Mordido ang kanyang tikas matapos humablot ng dalawang gold medals kahapon sa GSIS Gymnasium.
Nakipaghatian si Olympian Mordido ng Dasmarinas kay Francois Marie Magpily ng Mandaluyong sa seventh at final round upang magkampeon sa women’s individual standard matapos ilista ang 6.5 points.
Nasungkit naman ni Mordido ang pangalawang ginto sa team standard, kakampi nito si Jerlyn Mae San Diego.
Kuminang naman si Jerome Etang Negapatan ng Zamboanga City sa men’s Wai Kru at Mai Muay na ginanap sa Manuel Roxas High School Gym.
Si Krystal Yvonne Malecdan ng Baguio naman ang komopo ng gold sa women’s Wai Kru.
Ormoc City swimmer Atasha dela Torre shows off the two golds and one bronze she has won in the Philippine National Games; Quendy Fernandez during the awarding ceremonies in the women's swimming event of the Philippine National Games. (Photo credit/source: PSC Media Pool)
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato