FFCI ROME CHAPTER TAGUMPAY ANG FIRST THANKSGIVING AND ANNIVERSARY CELEBRATION

MATAGUMPAY na nairaos ang unang taong anibersaryo ng Filipino Family Club International,Inc.Worldwide Rome Chapter sa Italy nitong nakaraang Pebrero 4,2024.

NEWS

Danny Simon

2/13/20242 min read

MATAGUMPAY na nairaos ang unang taong anibersaryo ng Filipino Family Club International, Inc. Worldwide Rome Chapter sa Italy nitong nakaraang Pebrero 4,2024.

Ayon sa lider ng FFCI Rome Chapter na si Mabini, Batangas pride President Flora Calangi, full force ang presensya ng mga opisyal at miyembro ng FFCI - mundiyal na organisasyong itinatag ni humanitarian champion,pandemic hero Dr. Francis Leo Antonio Marcos PhD, pinangangasiwaan ni Worldwide President Dong Batalan.

FFCI Rome Chapter President Flora Calangi

Naging isang 'day to remember ang okasyon' ng mga naturang OFW's na kagyat na nalilimutan ang kanilang pangungulila sa bayang sinilangan dito sa Pilipinas at masaya na rin sila sa kanilang ikalawang tahanan sa Roma , Italia.

Lalong nagningning ang kanilang selebrasyong pasasalamat na rin dahil ang founder ng kanilang global na FFCI na si FLM ay malaya nang agila at muling nag-ibayo ang bagwis ng kanyang pagtulong sa mga kababayan anumang sektor ng lipunan ang kinabibilangan.

Katuwang bilang OFFICERS & MEMBERS OF FFCI ROME CHAPTER ni Pres Flora Calangi sina Nelson Rabang, Lodivina Labolera, Nina Fruscio, Roy Penalosa, Violeta Andal, Corazon Dizon, Sarah Junabel, Leticia Marcos, Paz de Guzman, Misty Valencia, Alfredo Andal, Chiara Andal, Imelda Laguindam, Mary Malijan, Mariylou Aguilar, Mary Ann Arenas, Genalyn Agdoval, Mediatrich Magtibay, Amor Hernandez, Regina Fernandez, Evelyn Villapando, Noeme Dayawon, Emeteria Castillo, Lea Canonigo, Elizabeth Badayos, Loida Rubrica, Beverly Yacap, Panima at Corazon Dizon-adviser.

Si Pres. Calangi na dumating sa Rome noon pang 1983, naging Konsehal sa kanyang lugar sa isang municipyo ng mga dayong lahi sa Italya ng 6 na taon bago naging enrepreneur na nagtatag ng tindahan ng produktong pagkain ng iba't- ibang bansa kung kaya hindi matatawaran ang husay ng Pinay sa ibang lupain.

" Mommy ang tawag sa kin ni boss FLM .Kami dito sa Roma ay laging sumusubaybay sa kanyang adhikain at laging handang sumuporta para sa sambayanang Pilipino," sambit ni Calangi.