FIVB Men's World SET NA NATIN 'TO..NOW NA!

LAHAT ng direksiyon ay tungong Manila ngayon.

SPORTS

DANNY SIMON

9/11/20251 min read

LAHAT ng direksiyon ay tungong Manila ngayon.

Ang Pilipinas sa unang pagkakataon ay siyang punong-abala sa pagdaraos ng makasaysayang FIVB Volleyball Men's World Championships na sasambulat mula Setyembre 12 hanggang 28 sa dalawang world class na venue sa bansa na Mall of Asia at Smart Araneta Coliseum.

Kabuuang 32 koponang pinakamagaling na bansa sa buong mundo na kinabibilangan ng VNL at Olympic champion, mga darkhorse at crowd darling ang nagtipon sa bansa para sa pinakamalaki at tinatayang pinaka-dakilang edisyon ng world championship na inaasahang babasag ng record attendance partikular dito ang eksplosibong pambungad seremonya sa Mall of Asia Arena.

Sasalang agad ang hometown na Alas Pilipinas (82) powerhouse 11-time African champion na sa opening match bandang 7 ng gabi sa MoA.

Ang tanyag sa mundong BOYNEXTDOOR mula SouthKorea ang dagdag-ningning sa grandiyosong opening ceremony na pangungunahan ni PNVF president Ramon 'Tats' Zuzara at FIVB president Favio Azebedo bandang 4:20 ng hapon.

"I'm telling to the Filipinos, please come. We need you. as jsupporters, we need you because we are going to fight together against Tunisia. Don't let us fight alone." sambit ni coach Frigoni in a tall order against the Tunisians to open the Pool A action that also includes No. 13 Iran ang No. 23 Egypt, the reigning African Champion.

Narito na lahat sila,ang mga pinakamagagaling sa buong mundo ay matagumpay nang matutunghayan ng buong daigdig sa Pilipinas.

PUGAY sa mga nagsulong ng historic event na pandaigdigang kaganapan pasimuno si pangulong Tats Suzara at ang mga sumuporta sa adhikain na sina PSC chair Pato Gregorio, Pres. Bambol Tolentino ng POC, Senator Alan Peter Cayetano, Smart PLDT at lahat ng volunteers at op kors ksa media na mga bayani at patriotiko para sa bayan mismo..set na natin ‘to.. NOW NA!