FLM CARAVAN: MISYONG HUMANITARIAN KASADO NA SA HAGONOY, BULACAN
SA halìp na pangangampanya ng boto sa tao,abala ngayon ang nag-withraw sa senatorial race na si social media celebrity, humanitarian champion, phanthropist at binansagang pandemic hero na si Dr Francis Leo Antonio Marcos PhD sa kanyang dating gawi na pagtulong sa kapwa nang walang hinihinging kapalit tulad ng boto.
PEOPLE* PLACES* EVENTS
Danny Simon
3/7/20251 min read


SA halìp na pangangampanya ng boto sa tao,abala ngayon ang nag-withraw sa senatorial race na si social media celebrity, humanitarian champion, phanthropist at binansagang pandemic hero na si Dr Francis Leo Antonio Marcos PhD sa kanyang dating gawi na pagtulong sa kapwa nang walang hinihinging kapalit tulad ng boto.
Si FLM na pormàl nang nag-withraw ng kanyang kandidatura sa Comelec kamakailan bilang Senador ng Republika ay itinuring niyang isang personal na sakripisyong kanyang tutuparin para sa bayan.
Nakatakdang idaos ang grand humanitarian sa Hagonoy, Bulacan sa Marso 14- 16 sa Grand Gymnasium.
Mapalad ang maraming pamilya ng mga taga Hagonoy ang mabibiyayaan nģ de kalidad na salamin sa mata, gayundin ang kanyang cash-pabigas sa mga magpapartisipa at hihingi ng tulong kay pilantropo FLM.
May mga maswerte ring estudyante na mapagkalooban ng gadgets tulad ng cellhpones atbp.
" Tatlong araw pong gaganapan ang pamamahagi ng humble na kalinga sa ating mga kababayang Bulaqueños.Wala ho tayong hangad na kapalit at wala itong halong politika. See you na lang po sa Hagonoy", wika ng civic worker FLM na isang muli-awardee na dahil sa kanyang adbokasiya.
Ang FLM Humanitarian caravan ay nakaikot na ng Nueva Viscaya,Isabela tungong Cagayan, Ilocos Norte at Sur pababa ng La Union, Pangasinan,Tarlac., Nueva Ecija at Pampanga hanggang Bulacan tungong NCR, Timog Katagalugan, Bicol, Marinduque, Romblon, Mindoro.Palawan hanggang sa Kabisayaan at Kamindanaoan katuwang ang FFCI Worldwide ni Pres.EO Batalan at Semi di Speranza Foundation Cebu City ni Ms Chilitita Cabatingan.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato