IN GOD WE TRUST
FLM: FRANCIS LOVES MANNY!
DALAWANG tanyag na personalidad sa kanilang mundong ginagalawan ang pinag-uulot ng mga taong walang magawa sa buhay at walang silbi sa mundo.
PEOPLE* PLACES* EVENTS
DANNY SIMON
2/7/20262 min read


DALAWANG tanyag na personalidad sa kanilang mundong ginagalawan ang pinag-uulot ng mga taong walang magawa sa buhay at walang silbi sa mundo.
Si boxing icon 8-division world champion Manny Pacquiao at social media influencer Pandemic Hero Francis Leo Marcos ay pilit pinag- aaway ng mga blogger na pinagkakakitaan anuman maging paksa nila tungkol kay MP at FLM.
Hinuhulog ng mga balasubas na vloggers sa patibong ang dalawang sikat na may something in common, sila ay parehong tumutulong sa ating less fortunate na kababayan at kapwa galing sa lupa na nakarating sa tugatog ng tagumpay dahil sa sariling pagsisikap, suwerte at diskarte in their humble way.
Itong mga tungaw na vloggers na kinaliligaya ang makapanira ng tao kapalit ng halaga ng views ng followers na kinabubuhay ang pumatay ng imahe ng mga tunay namang pilantropo at may resibo sa kawanggawa.
Danas kasi ng mga ungas na kapag di sila MP lalo na si FLM ang content ay nilalangaw sa palengke ang kanilang platform kaya gumawa sila ng fake na Pacman account upang galitin si FLM.
Binalahura ng pekeng Pacquiao account ang pisikal na personalidad ng sikat na si FLMarcos kung kaya ang nasabi nang huli ay balahurang reaksyon din ang balik nya sa post ng pekeng Pacman.
Unsolicted advise ng korner na ito sa dalawang sikat, huwag kumagat sa pain ng mga bash'ag ang mukha sa socmed na sugo ni ' taning . Lantaran kayong inuurot para lang sa views. Si Pacguiao ay namimigay ng tulong sa kapwa galing sa kanyang pakikipagbasagan ng mukha ( di tulad ng mga ibang pulitiko na ang kuwarta ay galing sa kapal ng mukha ng kurapsyon at pakikibangasan
kontra ibang lahi habang si FLM ay patuloy ang pagtulong sa kapwa sa kanyang estilo at mabuting paraan.
Kayong mga ulutero sa mundo; baguhin nyo na style nyo para mabuhay ng legal at panatag na buhay.Bakit kelangan niyong manira sa mga taong pilantropo? Samantalang kayo mismo wala man lang naiambag sa tao at pag di pa kayo titigil, makatikim kayo tiyak ng umbag mula kay MP at FLM...ABANGAN!
Lowcut-Kapag ang isang vlogger na sa titulo pa lang na MakaUngas ay ungas na ang miyembrong maniniwala ; me mapupulot ka ba dito? Natural ang bibilib sa hestas na vlogger ay UNGAS din! OGAGGS!




Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
