IN GOD WE TRUST
FLM IN ACTION!
DUMARANAS na naman ng matinding salanta ang bayan ni Juan na mistulang wala nang katapusan ang perwisyo sa buhay at kabuhayan taun- taon na lang lalo kung tag-ulan.
OPINION
DANNY SIMON
8/18/20262 min read


DUMARANAS na naman ng matinding salanta ang bayan ni Juan na mistulang wala nang katapusan ang perwisyo sa buhay at kabuhayan taun- taon na lang lalo kung tag-ulan.
Bagama't ito ay bagupit ng kalikasan, maiiiwasan sana ang buwis- buhay at perwisyo sa mga ari-arian at hanapbuhay kundi ibinulsa at pinagpiyestahan ng mga buwayang halal ng bayan ang pondong laan para sa kapakanan ng mga mamayan tulad ng proyektong flood control at iba pang imprastraktura para sa pamayanan.
Ang nature's wrath ay badya na rin sa mga timawang politiko at sinungaling na lider na binobokilya ang konstituwente na marami nang natapos na proyekto kasama na ang pangontrol ng baha eh puro multo pala at ang perang kikbak na male-maleta ay naging bultu- bulto sa kanilang kamalig ng kabuktutan.
Ang mga timawang Lacoste mula Timog hanggang ng Ilocos ay prenteng nilulukuban ang kanilang dekwat na yaman dulot ng palasyo mula sa panggantso sa pera ng tao habang ang mamamayang dapat pinaglilingkuran ay lubog ang kabuhayan habang naghihintay ng tabang sa kinauukulang naghihilik sa lamig na dulot halumigmig ng sarap bunga ng kanilang kinurap.
Wala nga silang konsensiya para bawasan ang kanilang nakaw sa bayan at ayudahan ang mga biktima ng kanilang kawalanghiyaan.
Kapag may ganitong delubyo, epidemya hanggang pandemya, di mo makikita ang mga bundat na mangungulimbat na umayuda man lang o namumudmod ng relief goods depende iyon kapag me media coverage o masang nanonood.
Makikita mo sa lugar ng delubyo ang mga non government organization, pribadong institusyon at mga humanitarian champions na tumutulong sa balana oras sa ng sakuna.
Sa ganitong oras ng emergency ay naaasahan ang mga non -politician pero may malasakit sa taumbayan tulad ni pandemic champion Francis Leo Marcos( FLM) na laging mabilis umaksyon upang tumulong sa kababayang apektado ng delubyo.
Si Mr. Mayaman Challenge FLM lang naman ang humamon noong panahon ng covid sa mga mayayaman na bawasan ang salapi at ipamudmod ang bahagi ng kanilang yaman Para sa mamanayan.
Kaya asahan nyo si Mr humanitarian champ FLM na lulusong sa baha upang tumulong sa mga pobreng nasalanta ng bagyo.
Tiyak na Isa ang bayan ng La. Paz sa Tarlac ang maabot ng tulong ni FLM sa lalong madaling panahon... ABANGAN!!!


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
