FLM MAMAMAHAGI NG PRIMERA KLASENG EYEGLASS SA KAPULISAN NG ISABELA

Isang 20/20 vision sa pagtupad ng tungkulin ng nasa higit 600 uniformed at ununiformed personnel ng Isabela Police Provincial Office ang isasakatuparan dahil sa nakatakdang pamamahagi ng de- kalidad na eyeglasses ng pamosong pilantropo, tinaguriang bayani ng pandemya at civic leader na si Francis Leo Marcos.

NEWS

Danny Simon

1/6/20242 min read

Isang 20/20 vision sa pagtupad ng tungkulin ng nasa higit 600 uniformed at ununiformed personnel ng Isabela Police Provincial Office ang isasakatuparan dahil sa nakatakdang pamamahagi ng de- kalidad na eyeglasses ng pamosong pilantropo, tinaguriang bayani ng pandemya at civic leader na si Francis Leo Marcos.

Sa hiling ng pamunuan ng IPPO sa pangunguna ni PLtCol Joel B. Dulin - Chief PIU kay G. Marcos - founder ng Filipino Family Club International(FFCI), Inc Worldwide, ang mabiyayaan ng libreng salamin sa mata at eye check up ay isang napakaliwanag na pag-asa ng kapulisan at kawani na kailangan sa pagtupad ng tungkulin para protektahan at pangalagaan ang kaayusan ng Lungsod Ilagan ng nasabing lalawigan.

Tulad ng inaasahan ay positibo at aprubado ora mismo ni FLM ang naturang request at agad na iniskedyul ito sa Enero 15, 2024 en punto ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon sa IPPO event venue.

" Actually ay nasa 650 ang mabibiyayaan ng salamin pero dinoble na natin ito partikular ang frames, glasses at grado para masegurong kumpleto at mababahaginan lahat ng ating Kapulisan sa Isabela,"ani pa Marcos.

Tiniyak ni Dulin na sila rin mismo ang aasiste upang maseguro ang seguridad at kaayusan ng makabuluhang kaganapan para sa mamamayan.

Ang kontrobersyal na Marcos ay kalalaya pa lang mula sa higit 3 - taong di niya dapat pinagdusahan.

Ang itinuring niyang masamang panaginip ay papalitan ni FLM ng kabutihan at tinanggal na ang galit na naramdaman kaninuman kung kaya ang pamamahagi at pagtulong sa tao ang kanyang prayoridad bilang maugong na pagbabalik ng kampeon sa humanitarian advocacy.

" Ang ating misyon sa Ilagan ay maisasakatuparan sa suporta ng Se mi di speranza Foundation chairman Chilitita Cabatingan ng Cebu kaagapay na rin ang ating itinatag na Filipino Family Club International Inc. Worldwide sa timon ni Pres. Dong Batalan, Sameera Aguilar ng FFCI at lahat ng ating tagasuporta worldwide. Maraming Salamat po! Antayin niyo po kami sa Isabela!", wika ni FLM.