FLM MAY MENSAHE KAY YULO
ISANG taos-pusong pagpupugay ang ipinaabot ng tanyag na humanitarian champion Dr. Francis Leo Marcos PhD (D. Hum Honoris Causa) sa ating Paris Olympics 2024 double champion Carlos Edriel Yulo - ang bagong bayani ng sambayanang Pilipino.
OPINION
Danny Simon
8/13/20241 min read


ISANG taos-pusong pagpupugay ang ipinaabot ng tanyag na humanitarian champion Dr. Francis Leo Marcos PhD (D.Hum Honoris Causa) sa ating Paris Olympics 2024 double champion Carlos Edriel Yulo - ang bagong bayani ng sambayanang Pilipino.
Gayundin ay may panawagan siya sa ating kababayan na magpokus na lang sa pagdiriwang ni Yulo na karangalan ng ating bansang Pilipinas kung saan ay dalawang beses na umalingawngaw sa buong mundo ang ating Pambansang awit na ni sa panaginip ay di mangyayari pero ito ay naging realized dahil sa kabayanihan ng batang Yulo.
General knowledge na kasi ang naging hidwaan nina Caloy at ang kanyang nanay at damay sa isyu ang gf ng ating gymnastics gem.
Mabuti naman at naisaayos na ang dramang pampamilya Yulo na sila lang naman dapat na mag-ayos at di na naisapubliko.
Hayaan na lang ng taga mainstream at social media ang isyu sa sirkulo ng pamilya at ang dapat ngayon ay selebrasyong walang puknat na once in a lifetime lang mangyayari para sa Pilipino kortesiya ni Yulo.
Unsolicited advise ng pandemic hero sa ating sports hero, ang nanay ay mas matimbang kahit kanino pa man. Madaling makahanap ng babaeng mamahalin pero ang Ina, kahit baligtarin ang daigdig ay iisa lang at di na mahahanap kahit saan sulok ng universe hagilapin.
Si FLM kahit gaano na kalayo at katayog ang narating sa buhay at gaano mang yaman ang nasa baul nito ay nananatiling ang kanyang Ina ang kanyang natatanging diyamante sa buhay.
Kaya nga lagi siyang may panahon na dumalaw sa kanyang mahal na Ina sa kanilang balwarte sa Isabela.
Ang bawat pagkikita nila na kapwa nabubuhay ng marangya at tumutulong sa kapwa ay di matutumbasan ng salapi o material ang bawat pagkikita nilang mag-ina.
Iba talaga ang pagmamahal ng nanay kahit may sarili nang buhay ang anak.
Alam ni FLM na ma-realize ito ng isang dakilang anak na di tatalikod sa kanyang pinagmulan kaya ang mahalaga ngayon ay magdiwang. Ang tagumpay ni Yulo ay tagumpay ng sambayanang Pilipino. Mabuhay ka Caloy at ang ating atletang Pilipino. PARES na golds at PARES na bronzes sa PARIS...karangalang walang ka-PARIS!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato