FLM MR. CALIBER SUGOD KOLEHIYO/UNIBERSIDAD SA METRO AT SPORTS & ARTS CLINIC SA 2026

KASADO na ang pasabog na proyektong pangkawanggawa ng tanyag na humanitarian champion na si Dr. Francis Leo Antonio Marcos Phd sa pagpasok ng bagong taon 2026.

PEOPLE* PLACES* EVENTS

DANNY SIMON

12/30/20252 min read

KASADO na ang pasabog na proyektong pangkawanggawa ng tanyag na humanitarian champion na si Dr. Francis Leo Antonio Marcos Phd sa pagpasok ng bagong taon 2026.

Puntirya ng binansagang ‘pandemic hero’ na si FLM ang maabot ng kanyang adbokasiya ang mga estudyante sa mga unibersidad at kolehiyo sa Metro Manila at lalawigan.

Aniya,bagama’t ang taon 2025 ay markado sa tao ang mga paglilibot niya sa kanayunan hanggang kalunsuran kung saan ay di na mabilang ang mga mamamayan na nabiyayaan ng kanyang pamamahagi ng saku-sakong bigas , libreng salamin, wheelchairs, gadgets. cash at iba pa ay nais niyang mapalawig pa ang aspeto ng charity sa mga residenteng maabutan ng kanyang biyaya.

“ Tuluy-tuloy ang ating kawanggawa para sa ating kapwa kaya sa pagpasok ng 2026 ay ilulunsad natin ang SUGOD KOLEHIYO /UNIBERSIDAD NI MR . CALIBER NATIONWIDE ‘na naglalayong matulungan ko sa abot ng makakaya ang mga mapipiling estudyante na magwawagi ng premyong salapi mula sa inyong lingkod FLM po,” wika ng tinagurian ding Agila ng Norte.

Kwalipikadong tatanggap ng premyong salapi ang maiispatan ni Mr. Caliber( FLM) na naka- subscribe sa MR.CALIBER socmed platform sa loob ng campus.

Ikinalendaryo na ni FLM ang mga pagdarausan ng pagkakaloob ng biyaya sa mga mapalad na estudyante sa buong Pilipinas sa buong taon ng 2026.

Magdaraos din ng sports and arts clinic sa countryside para sa mga potensyal na kabataang may pangarap sa buhay at dahil si FLM ay isang taal na sportsman at pilantropo ay taos puso siyang susuporta sa ganitong uri ng adbokasiya para sa masa.

Kaya sinomang mga kritiko kay FLM na bilang lang sa daliri ng kamay kontra milyones na followers nito, tumulong na lang sa kapwa,walang mararating ang mga balasuBASH imbes na magngangawa.

Kung walang maitulong..

WATOKIS na lang..FLM lang ang SAKALAM!

LOWCUT- Special shoutout sa ating nakajamming nitong nakaraang PLDT (Boni) Security Dept. Christmas Party na sina Gary Farporan (supervisor)Albert Prande, Michael dela Cruz, Noe Canlas, Gaby Mendez, Rogelio Golingan, Ricky Mamigo, Leni La Labestida, Manilyn Mendez, Gerson Mercado, Nixon Custodio, Julieto Yape op kors kina area supervisor Marlon Relos, area manager Juan Lacadin.Greetings from Ms Abby Pamplona. HAPPY NEW YEAR 2026!