FLM WITHDREW FOR GOOD!

ONE step backward, two steps forward.

OPINION

Danny Simon

1/23/20251 min read

ONE step backward, two steps forward.

Ito ang pinipintuhong dahilan ng pag- withdraw ng senatorial candidacy ni philantropist Francis Leo Marcos sa Comelec kahapon.

Pormal naman itong tinanggap ni poll body chairman Garcia sa kanyang tanggapan kasabay ng pahayag ni FLM sa media na ang kanyang withrawal ay magreresulta ng malaking bagay sa naantalang sistema ng Comelec sa aspeto ng pag-imprenta ng balota na tiyak na magkakaiba ang salansan pagpasok ng kanyang pangalan.

" Sa aking milyun-milyon na followers na tiyak na ikinabigla ang aking desisyon, tuloy pa rin ang ating noble endeavor na pagtulong sa ating kababayab partikular iyong mga nasa laylayan ng lipunan.Meron pa namang susunod na eleksiyon, " sambit ni FLM kasabay din ng kanyang pasasalamat sa Korte Suprema hinggil sa TRO na pumabor sa kanyang apela.

Ang naturang desisyon ay ikinagulat ng madla partikular ang milyones na bumoto sa kanya noong 2022 national elections na tiyak na nadagdagan pa sapat na upang makapasok sa magic 12 ang agila ng norte na binansagang pandemic hero at doctorate degree ng humanitarian and philanthropist awardee Dr. Francis Leo Antonio Marcos PhD - De Hum Honoris Causa.

Kaugnay nito ang kanyang panawagan na suportahan ang isa pang Marcos na si reelectionist lady Senator Imee. "Vote her for me!",hirit ni Apo Francis Leo sa kanyang followers here and abroad.

Aprub champ; better luck next. Basta desisyon mo para sa sarili mo ay..WISE MOVE!