FLM'S GRAND COMEBACK!

MAGILAS ang pagbalikwas ng agilang malaya nang mamayagpag muli para sa kawanggawa.

OPINION

Danny Simon

1/4/20242 min read

MAGILAS ang pagbalikwas ng agilang malaya nang mamayagpag muli para sa kawanggawa.

Totoo sa kanyang pangako, paglabas niya mula sa 3 taon 7 buwan, 6 na oras, 45 minuto at 36 segundong pagkasikil ng kanyang kalayaan, walang sasayanging panahon ang pilantropo ng bayan upang tuluy-tuloy na ang pagtulong niya sa kapwa na inaabangang tunay ng minamahal niyang kababayan.

Iyan si Ka Francis Leo Marcos, ang kontrobersyal na pigurang minahal ng milyon-milyong Pilipino pero kinairita at inintriga ng iilang ayaw masapawan sa katanyagan dahil sa taos-pusong serbisyo sa bayan nang walang hangad na kapalit o kabayaran.

Hindi naman niya aniya linya ang politika na boto ang katumbas ng bawat tulong na di naman wagas.

Ang adbokasiya ni FLM ay bilang pasasalamat niya sa Poong Lumikha sa mga biyayang bumubuhos sa kanya sa matuwid na paraan at alam niyang ganito ang kanyang papel sa mundo, ang maging pilantropo sa tao lalo na iyong mga nasa laylayan ng lipunan.

Nakakalendaryo na ngayong 2024 ang mga outreach program ni FLM sa pamamagitan ng kanyang itinatag na Filipino Family Club International (FFCI) Inc. na kumakalinga sa mga kababayang Pinoy na nasa estado ng pangangailangan dito at sa abroad.

Ayuda, medical at dental mission, feeding program for children, eyecare , senior citizens care, women's welfare, job opportunities, scholarship for poor but potential students at meron pang ARTS and SPORTS program para sa kabataan partikular sa maralitang taga-lungsod at sa kanayunan.

Ngayon pa lang ay 'no dull moment' na sa instant celebrity mula hoyo hanggang laya na dinadagsa ng kanyang followers sa personal at social media man na si Ka Francis Leo Marcos, a RARE breed...INDEED!

LOWCUT: Special shoutout kina FFCI top brass Dong Batalan (worldwide prexy), VP Admin Alyssa Dee, Sameera C. Aguilar ng FFCI UAE Dubai, Aurora Aguilar, Nadia Aguilar at si Kuya Sonnie Aguilar, Jr. MABUHAY! Si Apo Francis Leo ang nagtatag ng naturang foundation for a noble cause. Hats Off!

Freedom & Liberty to Mankind (FLM)!

FFCI for a noble cause.Tinalakay sa pulong sa pangunguna ni Filipino Family Club International Inc. Worldwide founder Francis Leo Marcos (gitna) ang mga nakakalendaryong outreach program (2024) na medical, dental, feeding, children at seniors care, scholarship, job opportunities, arts and SPORTS program. Nasa larawan din sina worldwide pres. Dong Batalan (kaliwa) Sameera Aguilar at PFT columnist Danny Simon. (Nakatayo mula kaliwa) sina Sonnie Aguilar, Jr., Nadia Aguilar at Aurora Aguilar.