FOUR POINT SHOT NG PBA AT ARENA PLUS

"This four point shot is brough to you by ..ARENA PLUS!

OPINION

Danny Simon

8/17/20241 min read

"This four point shot is brough to you by ..ARENA PLUS!

Ito ang aalingawngaw sa big dome, mainstream broadcast at social media matapos ang conversion attempt mula sa 4- point territory ng sino mang player sa opisyal na game ng 49th Season Philippine Basketball Association Governor's Cup na sasambulat ngayon sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Matapos ang grandeng pambungad seremonya ay raratsada ang buwenamanong bakbakan ng powehouse teams Meralco Bolts kontra Magnolia Hotshots na handog ng PBA sa fans ng bayang basketbolista.

Ang dalawang protagonista ay kapwa may long shooters sa kanilang arsenal kung kaya ang naibuslong 4 point shots ay tiyak na maia-anunsiyo ng coliseum barker sa kumbersyong hatid ng Arena Plus.

Tunay na game changer. Ayon kina PBA Commissioner Willie Marcial, Alfrancis Chua , Ricky Vargas, Robert Non at Arena Plus top brass Rafael Jasper Vicencio na ang 4-point shot ay bagong inobasyong maghahatid ng interest sa fans ng bawat koponan dahil ang halos nasa bingit na ng pagkatalo ay buhay ang pag- asang manalo pa sa laban.

At dahil may promo ang PBA at Arena Plus, guess ng Uppercut kung sinong unang makakabuslo ng 4-point shot ay tiyak na si Paul Lee ng Magnolia at si Chris Newsome. sa Meralco. PBA-ARENA PLUS...FOOUUR POOINTS!