GAB CHAIRMAN ATTY. RIVERA, EXECUTIVE AWARDEE NG GILAS NEWS ANNIVERSARY

GINAWARAN ng kaukulang rekognisyon si sports leader Atty. Francisco Rivera, Chairman ng Games and Amusement Board (GAB), mula sa prestihiyosong media entity na GILAS News Organization.

PEOPLE* PLACES* EVENTS

MCS

6/29/20251 min read

GINAWARAN ng kaukulang rekognisyon si sports leader Atty. Francisco Rivera, Chairman ng Games and Amusement Board (GAB), mula sa prestihiyosong media entity na GILAS News Organization.

Ang naturang pagkilala ay unanimously chosen ng editorial board ng GNO bilang isang personahe sa pamayanan na naging huwaran sa larangang pinamu munuan.

"Dahil sa kanyang (Chairman Rivera) natatanging ganap sa regulasyon at pagsulong ng propesyunal na sports sa bansa gayundin ang matagumpay na pagsupil sa mga aktibidad na iligal na pagsusugal na nauugnay sa mga propesyunal na palakasan at laro,

komprehensibong natutulungan ng kanyang pinamumunuang Lupon sa mga Laro at Libangan ang mga Pilipinong pro- athletes na nakararanas ng hindi patas na desisyon sa kanilang pagdayo at pagsabak sa ibayong dagat ay aming kinilala ang kanyang ganap bilang isang tunay. na Filipino sports leader," wika ni GNO president at Gilas News Editor-in-Chief Danný Simon.

Mismong sa tanggapan ni GAB chairrman Rivera ginanap ang awarding ceremony sa pangunguna ni EIC Simon kasama sina Managing Editor Enjeł Manato, Columnist Edwin Salve at Foreign Correspondent Tariq Butt. (MCS)

GINAWARAN ng kaukulang rekognisyon si sports leader Atty. Francisco Rivera, Chairman ng Games and Amusement Board (GAB), mula sa prestihiyosong media entity na GILAS News Organization. (MCS)