IN GOD WE TRUST

GAB: OKEY KA PARE KO PARICA!

BILLIARDS icon Jose ' AMANG' Parica is in the house!

SPORTS

DANNY SIMON

10/18/20262 min read

BILLIARDS icon Jose ' AMANG' Parica is in the house!

Iwe- welcome ngayon ng Games and Amusement Board (GAB) sa pangunguna ni Chairman Atty. Francisco Rivera and his Commissioners ang buhay na alamat sa larangan ng billiards mundial na si Parica na kilalang Amang,The King at Giant Killer.

Si US- based professional pool player Parica na tubong Maynila ay makakasama sa GAB courtesy call sina AJ Manas at Roel Esquillo ngayong umaga sa Chairman's office.

Ayon kay Chairman Rivera,isang karangalang makadaupang- palad ang isang hall of famer na siyang pasimuno ng Filipino invasion sa larangan sa Estados Unidos noong huling bahagi ng dekada '70 na nagdulot ng di birong karangalan at pagkilala sa bansa dahil sa husay at tapang ng Pinoy na di kinabog o umatras ano mang lahi ang kanyang kalaban.

Si Amang Parica ay itinuring na isa sa best pool players at money players sa kasaysayan sa mundo ng billiards bago pa dumating ang isang dakilang alamat din sa katauhan ni Efren ' Bata Reyes na lalong nagpatibay sa pagkakilanlan sa mga Pilipino na da best at kinatatakutan sa larangang sinundan pa ng mga Django Bustamante,Marvelous Marlon Manalo, Ronnie Alcano,Robocop Orcullo ,Carlo Biado at marami pang ibang batikan na nanindak sa daigdig ng mga manunumbok at teribol sa velvet table.

Hawak pa rin ng 1987 Jakarta Southeast Asian Games Filipino 8- ball gold medalist at 9- ball singles world champion(1988) na si Parica ang perfect TPA score na 1,000 pts sa isang race to 11 racks na walang naging mintis sa kabuuan ng laban noong dekada '90.

Siya rin ang unang nagpatunay na ang billiards ay di isang sugal o bisyo dahil lakip nito ang isang pangarap at ambisyon na maging kampeon sa mundo tulad niya at nina Bata.

May isang Dream Match na matagal nang ikinakasa ang billiards afficionados na malapit nang maging realidad- ang tumbukang BATA VS AMANG! Malamang sa Cue Club ni Pacman..ani Marvelous Manalo,sinong mananalo?...ABANGAN!

FYI: Si Amang ang isa sa mga tanyag na celebrities na sina comedian Bert 'Tawa Marcelo,singer Rico Puno,Jockey Eduardo at legendary boxer Flash Elorde ang mga bida sa iconic at patok na San Miguel Beer commercial na 'ISANG PLATITONG MANI!

Ano kayang magandang komersyal sa ISANG MALETANG MONEY? like and comment ka- uppercut!

LOWCUT-Special shoutout kay Mdam ELAINE TUQUIB LABRADOR ( belated birthday greet)diyan sa Proj.8,Quezon City.All the best sa iyo from Uppercut ang ColourKwik.

Last weekend ay tinrit pabertdey ang Uppercut ni Philippine Eagles' CLR45 Gov.Rafael Agcaoili with kuya Chito Dequit,kuya Alex Vallespin & kuya Elmo sa isang elegante at rock na watering hole diyan sa President's Avenue sa BF Paranaque City.Enjoy at very relaxing ang ambiance ng DIEGO BAGNETO ni Ka Raymond sa 2F Greenworld Plaza.

Hanep ang sounds nito sa saliw ng FRC (Folk ,Rock & Country) music sa jamming din ng mga de-kalidad na guests nito na wantusawa sa pagkanta ( meron ding banda) na di naman nakakasawang pakinggan.Tena mga 'tol jam na at SUAN'SING along sa Diego Bagneto, Okey To!

Saksi si billiards icon Jose 'Amang Parica sa tagumpay ni Jonas MAGPANTAY sa Star Billiards Center sa torneong may basbas ng Games and Amusement Board (GAB).

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...