Gabi ng Parangal at Pasasalamat para sa... BAYANING ATLETANG PILIPINO
PINARANGALAN at kinilala ng Malacañang ang naging kabayanihan ng ating mga atletang Pilipino sa sumabak sa nakaraang 19th Hangzhou Asian Games China 2023 kung saan ay itinuring na isang mabunga at matagumpay na kampanya at nagdulot ng karangalan para sa Pilipinas.
SPORTS
Danny Simon
10/25/20231 min read


PINARANGALAN at kinilala ng Malacañang ang naging kabayanihan ng ating mga atletang Pilipino sa sumabak sa nakaraang 19th Hangzhou Asian Games China 2023 kung saan ay itinuring na isang mabunga at matagumpay na kampanya at nagdulot ng karangalan para sa Pilipinas.
Walang iba kundi si Pangulong Ferdinand 'Bongbong' Marcos ang personal na bumati at pumuri sa pangkalahatan ng Team Philippines sa ginanap na Gabi ng Parangal at Pasasalamat para sa Bayaning Atletang Pilipino na idinaos kagabi sa dinagsang makasaysayang Rizal Memorial Coliseum sa Malate, Maynila na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC).
Sentro ng makabuluhang okasyon ang pagdalo ng mga Asian Games gold, silver at bronze medalists, mga atleta ng bawat national sports associations at mga sports leader ng bansa.
Pinalakpakan nang husto ang nakapaguwi ng gold medals na sina pole vaulter EJ Obiena ng athletics, juijitsu athlete Meggie Ochoa at Annie Ramirez at ang victorious Gilas Pilipinas gayundin ang mga bronze at silver medalists sa sports discipline na tennis, boxing sepak takraw, wushu, weightlifting, taekwondo, karate at cycling.
Lahat sila ay tumanggap ng Presidential citation na personal na iniabot ni PBBM katuwang sina PSC chairman Richard Bachmann at Philippine Olympic Committee
( POC) president Abraham ' 'Bambol' Tolentino.
"Proud to be Pinoy! Karapat- dapat lang na parangalan ang magigiting nating atleta. Di lang sila kundi maging coaches, trainers, therapists at mga indibidwal na sumuporta sa adhikain. Napakatagal ng ating inantay. Hindi natin akalain na ganitong karangalan ang ibibigay nilang karangalan sa bansa. I salute all of you Team Philippines.
Dahil sa inyo ay ngumingiti ang Pilipino sa kabila ng mga suliranin sa buhay. We value our athletes' greatness. Sa susunod ay mas marami pang tagumpay ang maiaalay ng ating mga bayaning atleta kaya todo-suporta tayo sa kanilang misyon para sa bayan", wika ni Pangulong Marcos matapos ang awarding ceremony.
Lahat ng Asian Games 2023 medalists ay tumanggap ng taginting na insentibong salapi mula sa PSC gayundin mula sa Pangulo.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato