GANDANG GENSAN..WOW!
GENERAL SANTOS CITY-Tunay na pinaghandaan ng pamunuan ng lungsod ang pagiging host ng prestihiyoso na naging grandiosong Batang Pinoy National Championship Gensan 2025 dito.
SPORTS
ni Danny Simon
10/28/20252 min read


GENERAL SANTOS CITY-Tunay na pinaghandaan ng pamunuan ng lungsod ang pagiging host ng prestihiyoso na naging grandiosong Batang Pinoy National Championship Gensan 2025 dito.
Walang iba kundi si City Mayor Lorelie G. Pacquiao ang personal na nangasiwa ng pangkalahatang sistema upang matiyak ang tagumpay partikular nitong grand opening ceremony sa dinagsang Acharon Sports Complex kung saan ay pumarada ang mga LGU colors ng mga batang atleta ; coaches at sports officials sa harap ng mga VIP's mula kina DILG Secretary Johnvic Remulla, organizer Philippine Sports Commission sa pamumuno ni Chairman Pato Gregorio atbp.
Ayaw mapahiya ng host sa aspeto ng seguridad, kaayusan, abuso at kalusugan ng mga bisitang now lang nakarating sa kabisera ng Tuna ng Pilipinas sa pamamagitan ng idinaraos na Batang Pinoy Games sa Kalunsuran sa partnership ng Philippine Sports Commission sa pamumuno ni Chairman Pato Gregorio at pamahalaang lunsod ni Mayor Lorelie G. Pacquiao.
Bilang pagmamahal ni Mayora sa mga batang atleta at mga bisita matapos ang bongga at makulay na parada ng mga LGU colors at pambungad seremonya ay sineguro niyang payapang nakauwi ang lahat sa kanilang pansamantalang tinuluyan at lahat ng kanyang tauhan sa transportasyon ay kumilos lahat para walang sinumang matirang maiiwan sa Acharon Sports Complex.
Si Mayor Lorelie ang kahuli-hulihang lumabas ng Complex na labis ang kasiyahan sa huge success ng kaganapan dahil na rin sa pagkakaisa at bayanihan ng lahat ng konsernado.
Kung ikaw ay dayo o first timer sa progresibo nang General Santos City ( dating Dadiangas) ay di ka mamamahay dahil sa hospitality na ipinamalas ng host sa mga lokal na turista na isa ring aspeto na ipinagmalaki ni Mayora Pacquiao.
Tunay na MAGANDANG GENSAN mula sa yumi ng lungsod,gandang ugali ng mga tao,gandang tanawin, gandang buhay,baŕatong bilihin,kaysarap na pagkain, mahalinang kultura, makulay na sining at sadya ngang it's more fun in Gandang Gensan..WOW home of the Champion!
Lowcut: Special shoutout kay General Santos City Public Information Office (PIO) ROMBEL S. CATOLICO na ating bagong tsokaran diyan sa BP Press Center, Ms Mylene Velasco Leyba , Enzo Gregana at mga PSC staff diyan sa MC. Kudos to gorgeous Ms Angel Brosas at Ms Queen dito sa front desk ng Jovinaj Travellers Inn. Pagbalik sa Manila..GENSAN in my mind!
HAPPY, HAPPY BIRTHDAY TO MS. PLDT ABBY PAMPLONA, ALL THE BEST!!!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09451935742
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato
