GANTIHAN SI KUPITAN!
Tapos na ang ang boladas at paninikluhod ni incumbent Kapitan na tumakbo na naman. Nasa balota na ang kapasyahang dapat igalang kung walang hokus pokus o madyikan.
OPINION
Danny Simon
10/29/20231 min read


BUKAS na ang sandali ng katotohanan.
Tapos na ang ang boladas at paninikluhod ni incumbent Kapitan na tumakbo na naman.
Nasa balota na ang kapasyahang dapat igalang kung walang hokus pokus o madyikan.
Dapat ninyong tandaan: Mga Kapitan na nagbabahay - bahay nitong nakaraang kampanya na di naman nag-house to house noong pandemya, mga Kupitan este Kapitan na biglang yaman dahil hindi lahat binigay sa ka- barangay ang kaukulang ayuda ng pamahalaan sa mamamayan.
Perang galing sa krisis, nasikmura ng matulis. Ang nakupit ay ibinulsa at di nangilabot ang phootek na namputsa!
Mga benggador na hindi pinaglilingkuran ang mga di niya kapanalig lalo sa paggawa ng di matuwid.
Ang mga hindi kasama sa listahan ng ayuda noon, 'wag siyang isama sa inyong listahan sa balota ngayon.
Huwag kukurap baka mailuklok muli ang mga barangay official na corrupt.
Di na dapat maisahan ni Kapitan na saka ka lang lalapitan sa panahon ng kampanyahang nagtapos na kahapon ang plastik na panunuyo ng mga walastik.
Kapag naiboto niyo pa naman ang ganyang klaseng Kapitan, ewan ko na lang sa inyo kabayan.
BOBOTANTE na lang ang boboto sa mga ganyang kandidato.
Ito ang tamang pagkakataon para makaganti sa mga putakti ng barangay. Tanggalin sa listahan...
ABANGAN!
Salain din ang mga karapat-dapat na kagawad at SK kung sila ay OKEY!


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato