GARY ESTRADA AS GENERAL POLICARPIO SA RURU MADRID'S 'BLACK RIDER' , BUKAS NA SA GMA PRIMETIME

ABANGAN ang pinaka-markadong papel na gagampanan ng premyadong aktor sa pinilakang-tabing at telebisyon na si GARY ESTRADA.

SHOWBIZ

Danny Simon

11/5/20231 min read

ABANGAN ang pinaka-markadong papel na gagampanan ng premyadong aktor sa pinilakang-tabing at telebisyon na si GARY ESTRADA.

Siya si General Policarpio sa sasambulat na teleseryeng ' BLACK RIDER' na naiiba sa lahat ng naging role niya sa pelikula mula sa pagiging matinee idol hanggang sa hinahangaang seryosong dramatic actor.

Ang 'BLACK RIDER' na pinakamaaksiyong teleseryeng matutunghayan sa primetime TV ng GMA ay pinagbibidahan ng bagong action star na si Ruru Madrid.

Kabituin ni Gary Estrada ang mga subok at batikang sina Zoren Legaspi, Matteo Guidicelli, Raymond Bagatsing, Roi Vinzon, Reymart Santiago, Isko Moreno, Kier Legaspi at Monsour del Rosario.

Inaanyayahan lahat, mga tambay, nagtrabaho, naglako ng paninda, naghugas ng pinagkainan, mosang ng barangay, kapitbahay, kahit ano pa ang estado sa buhay, manood na bukas (Nob.6) ika 8:00 ng gabi sa GMA Telebabad.

Ang 'BLACK RIDER' ay pinaningning din ng mga star na sina Katrina Halili, Yassi Pressman, Kyle Padilla, Rio Locsin at Maureen Larrazabal.

Si GARY ESTRADA bukod sa pagiging artista ay isang sportsman (national baseball player) /public servant (naging Provincial Board Member ng Quezon).