GAWAD PILIPINO DANGAL NG BAYAN AWARDEE ANG RAZADO-VERGARA TANDEM MULA BULA, CAMSUR
PINARANGALAN ng prestihiyosong award-giving body na Gawad Pilipino ang dalawang prominenteng personahe mula Bicol Region sa idinaos na Gabi ng Gawad seremonya ng "Gawad Pilipino Dangal ng Bayan Awards" kamakailan sa Aberdeen Court Great Eastern Hotel sa Quezon City.
PEOPLE* PLACES* EVENTS
Danny Simon
1/4/20252 min read


PINARANGALAN ng prestihiyosong award-giving body na Gawad Pilipino ang dalawang prominenteng personahe mula Bicol Region sa idinaos na Gabi ng Gawad seremonya ng "Gawad Pilipino Dangal ng Bayan Awards" kamakailan sa Aberdeen Court Great Eastern Hotel sa Quezon City.
Sina humanitarian champion, pilantropo at public servant G. Homer Razado at Dr. August Vergara ay kinilala ang kanilang makabuluhang kontribusyon sa bayan at mamamayan di lamang sa kanilang balwarteng Bula, Camarines Sur kundi pati na sa mga lugar sa bansa na nalasap ang kanilang makataong adbokasiya na pang -socio- sibikong programa na kanilang isasakatuparan may eleksyon man o karaniwang araw para sa mga less fortunate na kababayan
Ang team Razado-Vergara na aspirante sa pagka- mayor at bise mayor ng bayan ng Bula na top brass din ng Binondo Brilliant Elite Eagles Club (BBEEC) ay nagpasalamat ng lubos at taos sa naturang rekognisyon ng Gawad Pilipino sa kanilang adbokasiya na pinagniningning ng kanilang humanitarian mission ng kanilang eagles club na nasa payong ng regional hanggang sa national leadership ng 'The Fraternal Order of Eagles - Philippine Eagles, Inc.' sa pamumuno ni National President Ronald Delos Santos.


"Salamat sa 'Gawad Pilipino' sa kanilang pagkilala sa aming adbokasiya. Lalo pa naming pag-iibayuhin ang aming serbisyo sa bayan lalo na sa aming kababayan sa Bula, Camarines Sur na optimistiko akong igagawad sa inyong lingkod ang mandato pagka-alkalde at ang ating katuwang na si future vice Vergara para sa progreso at asenso ng ating bayan upang akayin tungo sa pagiģing Isa sa top municipality ng bansa sa aspeto ng kabuhayan ng ating mahal na ka- Bulaenos, "wika BBEC president Razado sa panayam.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato