Gender Issue sa Sports: Mona Sulaiman ng Pilipinas noong dekada '60
Sa Paris Olympics naging matinding issue sa ilang manlalaro ang gender o kasarian.
SPORTS
Atty. Ariel Inton
8/21/20241 min read


Sa Paris Olympics naging matinding issue sa ilang manlalaro ang gender o kasarian. Isang Algerian na kalahok sa women's boxing ang pinagdudahan na lalaki- si Imane Khelif. Siya ang nanalo ng gold sa weight class niya. At para mapaniwala niya ang mga nagdududa ay naglabas siya ng make over pictures at videos niya na mala-beauty queen ang dating.
Pero sa Pilipinas naging issue ang gender ng atleta noong 1960s sa katauhan ng multi-Asian gold medalist at Olympian na si Mona
Sulaiman. Bago pa sumikat si Asian sprint queen Lydia de Vega ay si Mona ang itinuturing na reyna ng Asian track.
Teenager pa lang ay naging gold medalist na siya sa 100m at 200m events noong 1962 Asian games. Pinagdudahan ang pagkababae ni Mona bago mag-1966 Asian Games ay ni -require na pa-gender test siya. Bagay na tinanggihan ni Mona at pinili na lang ang mag- retiro.
Sayang dahil sure medalist pa naman siya. Pumanaw si Mona sa edad na 75 noong December 21 2017.
Marahil ay may gender issues muli na lalabas sa sports. Paano ba malaman ang kasarian ng tao:
Sex (gender) is a category that people are assigned at birth BASED ON THE GENITALS THEY'RE BORN WITH. It may be female, male or X.
X is sometimes used by people who don't identify as a female or male or who choose not to share their gender.(myhealth.alberta.ca.)
Marahil ay darating ang panahon na may mailalabas na malinaw na guidelines ang Olympics sa kasarian ng atleta upang maiwasan ang kontrobersiya. Sa ngayon its gender at birth not gender by choice ang basehan.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato