Giant Killer Navarette ng Calamba City Tinalo si 'Robocop' Orcollo

GINULANTANG ng pagkatalo ang heavyweight na si Dennis Orcollo sa sorpresang kalabang si Erickson Navarette, sa iskor na 9-2 sa pagsargo ng Efren "Bata" Reyes Yalin 10-Ball Championships sa Pacman's Cue Club, Lower Ground Floor, Worldwide Corporate Center, Shaw Boulevard, Mandaluyong City, Miyerkules ng gabi, Agosto 27, 2025.

SPORTS

DAS

8/27/20252 min read

GINULANTANG ng pagkatalo ang heavyweight na si Dennis Orcollo sa sorpresang kalabang si Erickson Navarette, sa iskor na 9-2 sa pagsargo ng Efren "Bata" Reyes Yalin 10-Ball Championships sa Pacman's Cue Club, Lower Ground Floor, Worldwide Corporate Center, Shaw Boulevard, Mandaluyong City, Miyerkules ng gabi, Agosto 27, 2025.

Ang 40-taong-gulang na si Navarette, na nagmamay-ari ng isang bilyaran sa Calamba, Laguna ay nagtala ng 4-1 hanggang 8-2 na kalamangan sa race-to-9, winners break format, 10 ball event.

Nagkaroon ng pagkakataon si 'Robocop Orcollo na bawasan ang kalamangan sa 8-3 sa ika-11 rack ngunit sumablay sa isang malayo na tira sa 10 ball.

"Sobrang kinakabahan ako na makalaro ang paboritong si Dennis Orcollo," wika ni Navarette, na kilalang giant killer na gumulat sa larangan ng pool matapos talunin ang mga tulad nina Efren "Bata" Reyes, Francisco "Django' Bustamante, Jundel Mazon, Kyle Amoroto at Warren Kiamco sa isang money game play.

"Sana mapanatili ko ang aking momentum," ani pa Navarette, na nagpabagsak kay Jewel Carton, 9-3.

Ang susunod na makakalaban ni Navarette na tambay sa pamosong Lucky Break Billiard Hall sa Quezon City ay si Nguyen Phuc Long ng Vietnam, na tinalo sina Paul John Ortega, 9-8, at Orlyn Biteranta, 9-4, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang mga nagwagi ay sina Greg Dira, Roberto Bilicario, Jeffrey Prieto, Jeffrey Ignacio, at Jaycee Garcia.

Samantala, sumuko ang world champion na si Cheska Centeno kay Jack de Luna, 9-7, habang pinabagsak ni Marvin Asis si Jonas Magpantay, 9-7.

Ang magka kampeon sa 10-ball event na ito ay tatanggap ng P1 milyon, na suportado ni Senator Manny Pacquiao, na inorganisa ni International Billiards/Snooker Champion Kap. Marlon Manalo.

Sina Orcollo, Centeno at Magpantay ay napunta sa loser's bracket upang sumali sa iba pang mga paboritong manlalaro na natalo na kinabibilangan nina Bernie Regalario, Antonio Lining, Michael Feliciano , Patrick Gonzales at Ramil" Bebeng" Gallego.(DAS)

Pinangunahan ni Birthday Celebrant Efren "Bata" Reyes ang ribbon cutting kasama sina Kapitana G Abalos, Kapitana Cynthia Caluya at International Billiards/Snooker Champion Kap Marlon "Marvelous" Manalo. (ABBY PAMPLONA)

Giant Slayer

Nagpakita ng lubos na suporta si billiards at chess enthusiast/ businessman/ investor New York -based Roberto Dumaual sa malaking kaganapang back to back to back billiards opening ( Yalin at EBR) ,book launching at kaarawan ni Living Legend Efren 'Bata Reyes,paglulunsad ng Pacman Cue Club ni Sen.Manny Pacquiao sa Mandaluyong Citý.Nasa larawan na kino- congratulate ni Dumaual si organizer, International Billiards and Snooker Champion Kap Marlon Manalo habang nakamasid si sportswriter Danny Simon.(Abby Pamplona)