IN GOD WE TRUST
‘GIFT OF GAB’ SI CHAIRMAN RIVERA
ISA sa maituturing na maasahan at tunay na lingkod - bayan ng kasalukuyang administrasyon si Atty. Francisco Rivera - ang chairman ng Games and Amusement Board (GAB).
SPORTS
DANNY SIMON
6/28/20261 min read


ISA sa maituturing na maasahan at tunay na lingkod - bayan ng kasalukuyang administrasyon si Atty. Francisco Rivera- ang chairman ng Games and Amusement Board (GAB).
Hindi nagkamali si PBBM sa pagkanombra niya kay Chair Rivera na itimon ang kanyang pamumuno para sa kapakanan ng mga propesyunal na atleta ng bansa partikular ang mga kalagayan nila pagdayo at pagsabak sa ibang lupain kung saan ay madalas na me napapahamak, nadadaya o ninanakawan ng karangalan sa tanghaling tapat.
Dahil kilala ng kanyang couterparts sa international ay nagkakaroon na ng mga patas na laban ang ating mga pro- athletes na nag-uuwi ng karangalan sa halip na sila ay inuuwi ng yukod ang ulo sugatan ang ego o kaya’y nakakahon na dahil sa kapabayaan.
Tunay na isang workaholic GAB leader si Atty. Rivera kaagapay ang kanyang board of Commissioners ng ahensiyang pang - pro sports sa bansa.
Napaka-abala ng athmosphere sa tanggapan ng GAB sa kasalukuyan dahil lahat ng pro- athletes and coaches ay tumatalima para sa lisensya upang lahat ay mapangalagaan ang kanilang kapakanan.
Ngayon ay wala nang naibabalitang mga negatibong pangyayari sa ating mga mandirigma sa pagdayo.


Bumisita sina Games and Amusement Board (GAB) Chairman Atty. Francisco J. Rivera at GAB Commissioner Atty. Manuel "Manny" S. Plaza III sa Philippine Racing Commission (Philracom). Sila ay tinanggap ni Philracom Chairman Aurelio "Reli" P. De Leon noong nakaraang Lunes sa Opisina ng Philracom sa Makati City.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
