IN GOD WE TRUST

Gilas Arts Session and Sports Clinic for Kids sa Raven Sikaran Tanay

SINING martial at visual ang magiging tampok na aktibidad ng ng Gilas ‘Pinas katuwang ang Tanay Raven Sikaran sa lalawigan ng Rizal sa Mayo 8 ng taon.

SPORTS

4/25/20261 min read

SINING martial at visual ang magiging tampok na aktibidad ng ng Gilas ‘Pinas katuwang ang Tanay Raven Sikaran sa lalawigan ng Rizal sa Mayo 8 ng taon.

Magko - conduct ng arts session na magtuturo sa mga batang potensyal na maging alagad ng sining si journalist/visual artist Danigilas Simon, hepeng patnugot ng Gilas News Organization habang ang sports clinic ay iko- conduct ngRaven Sikaran martial arts experts sa kabataang Tanay sa kumpas ni Mantas Crisanto Cuevas.

“ Ito ay isang 2-in -1 na kaganapang sining para sa mahal nating kabataang. Tanayans na ang karunungan dito ay magiging bahagi ng ambisyon sa kanilang buhay,” wika ni Mantas Cuevas na kasalukuyang nasa bansa para sa Sikaran event, sa paglahok ng kanyang Tanay Raven Sikaran sa national games, pagdepensa ng korona sa national open at pakikipag-ugnayan sa POC at PSC para sa inklusyon ng Sikaran sa Batang Pinoy Bacolod 2026.

“ Nagpapasalamat po tayo lalo na sa Gilas ‘ Pinas sa kanilang adbokasiya para sa kabataang Tanayans at sa palagiang suporta ng mga Tanjuatcos upang maging matagumpay ang lahat ng ating noble endeavours para sa Tanay hane”. Magkakaroon din ng on-the- spot drawing contest para sa kid artists na may laang premyo para sa mamamayagpag sa larangan ng pag- guhit. (DAS)