IN GOD WE TRUST
GILAS NEWS IP CHANNEL: MISSION ACCOMPLISHED!
PORMAL na nailunsad ang bagong platform ng pamamahayag para sa Indigenous People (IP)na GNIP Channel na simbolikong ginanap sa Bgy.Sto.Niño,Bamban,Tarlac- ang balwarte ng mga katutubo sa may paanan ng Pinatubo nitong weekend.
PEOPLE* PLACES* EVENTS
9/6/20261 min read
PORMAL na nailunsad ang bagong platform ng pamamahayag para sa Indigenous People (IP)na GNIP Channel na simbolikong ginanap sa Bgy.Sto.Niño,Bamban,Tarlac- ang balwarte ng mga katutubo sa may paanan ng Pinatubo nitong weekend.
Mainit na sinalubong ng mga residenteng IP's mula Sto.Niño at karatig na pinangunahan din ng mga chieftains at sa liderato rin ni host Datu Mammun Oscar Rivera( Bagong Tarlac Provincial Board Member) ang Team Gilas nina chairman Datu Delampangan Enrique Gavelino( LuzViMinda),SecGen Datu Alex V.Pingol, Treasurer Bae Divine Albina Licop,Auditor Avelina Paller,Secretary Mica Sumanday,Mindoro Chapter correspondent Christopher Licop at IP couple mula Bacolod City.
Dumating din ang mga representante mula Aurora Province at San Clemente saTarlac.
Rain or shine,malayo man malapit rin basta sa iisang layunin para sa kapakanan ng IP's sa bansa natin,"wika ni GNIP Editor- in- Chief Danny Simon.
Sinabi naman ni chairman Gavelino na narito na ang malakas na boses upang maipaning at maipaalam sa madla at kinauukulan ang mga hinaing partikular sa kawalan ng hustisya sa kanilang hanay.
" Ating ipadidinig sa madla at pamahalaan ang kawalan ng respeto ng maiimpluwensiyang tao na basta na lang kakamkam ng kanilang ancestral land.
" Di tayo tutol sa mga proyekto ng gobyerno basta sa kapakanan ng mga Plipino partikular sa IP's. Pero dapat ay may konsultasyon sa ating hanay para sa kaukulang respeto at ito ay babala sa mga nais pang gumawa ng criminal injustice sa tao at environment.itong GNIP Channel ang sandata natin laban sa kanila!Dapat nilang malaman, walang NCIP kung walang IP!", pahayag ni Datu Delampangan.
Hinimok naman ni Datu Pingol na magkaisa ang lahat ng IP nationwide dahil ang kanilang bilang na18 million ay napakalakas na potential kingmaker sa bansa."Kaya abangan po natin ang maraming pagtitipon natin IP's para maramdaman nila ang ating "Show of Force' na ihahayag naman sa madla ng ating Gilas News Indigenous Peoples Channel,"ani Datu Pingol.
"Ang GNIP Channel ay handang tumulong sa IP's nationwide..ang tulong ng IP in return ay like,comment,share and subscribe DANNSCAPE Arts",ani pa Simon.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
