GILAS PILIPINAS KINANGKONG ANG HONG KONG

MISTULANG pinaglaruan ng Gilas Pilipinas ang host Hong Kong sa harapan nang kanilang mga kababayan at iposte ang tambak na 94-64 panalo sa FIBA Asia Cup qualifying

CLYDE MARIANO

2/22/20241 min read

MISTULANG pinaglaruan ng Gilas Pilipinas ang host Hong Kong sa harapan nang kanilang mga kababayan at iposte ang tambak na 94-64 panalo sa FIBA Asia Cup qualifying.

Maihalintulad ang laro sa student-teacher affair kong saan ang mga manlalaro sa dating Crown Colony ang tinuruan ng leksiyon sa basketball ng mga Filipino na dinomina ang laro mula simula.

Ang panalo ay pasakalye lamang sa kanilang laban kontra mapanganib na Chinese Taipei sa February 25 ,7:30 pm sa Philsports Arena ,Pasig City.

Nagsanib-puwersa sina Kai Sotto, Justine Brownlee, Calvin Oftana, Dwight Ramos, Scottie Thompson at Jamie Malonzo sa. pag -dispatsa sa Hong Kong upang panatilihin ang kanilang paghahari sa mga Chinese.

Lumamang ang Gilas Pilipinas ng 20 points, 65-45, sa free throws ni Jamie Malonzo matapos sumablay ang opensa ng Hong Kong at nakuha ni 7-foot-3 Kai Sotto ang defensive rebound sa third quarter.

Ginawa ng Gilas Pilipinas ang fourth quarter ang all-Pinoy show na pinanood ng mga kababayan nagtratrabaho sa Hong Kong.

Gamit ang kanilang malawak na karanasan at mataas na morale at fighting spirit na mula pa sa tagumpay sa Southeast Asian Games at Asian Games, kinontrol ng mga Pinoy ang laro at hindi pinagbigyan ang host team makalapit sa ekspertong gabay ni coach Tim Cone.

“We came here with a mission to win the game and we succeeded” sabi ni Cone matapos padapain ang Hong Kong.

Lumobo na sa 41-35 ang bentahe sa back-to-back baskets ni Sotto at umiskor si Brownlee ng medium range jumper matapos sumablay ang host team.

Panay ang balasa ng Hong Kong coach sa kanyang mga players subalit hindi makahulma ng epektibong formula upang pigilin ang rumaragasang Filipinos.