GILAS RECOGNITION AWARD PORMAL NANG IGINAWAD KAY SIKARAN RAVEN TANAY MASTER CRISANTO CUEVAS

PORMAL nang iginawad ng Gilas News Organization ang plake ng pagkilala kay businessman/sportsman Sikaran Master Crisanto Cuevas sa espesyal na awards rite nitong nakaraang weekend sa GNO News Hall, Aldamiro Bldg., A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City.

SPORTS

Denmark Simon

5/23/20252 min read

PORMAL nang iginawad ng Gilas News Organization ang plake ng pagkilala kay businessman/sportsman Sikaran Master Crisanto Cuevas sa espesyal na awards rite nitong nakaraang weekend sa GNO News Hall, Aldamiro Bldg., A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City.

"Sa ngalan ng Sikaran Raven Tanay , buong pasasalamat ang inyong lingkod sa karangalang iginawad ng Gilas News Organization at Gilas News, kay editor-in-chief Danny Simon ng pinagpipitagang news organization" pahayag ni GSF Sikaran Raven Tanay Founder/President Master Cuevas. "Sa abot ng makakaya ay aming palalawigin pa ang traditional sport na Sikaran di lamang dito sa bayan ng Tanay kung saan ay patuloy ang pagdami ng ating mga kabataang entusiyastiko sa larangan ng Sikaran .

Kasamang tumanggap ng Gilas Parangal 2025 ni Master Cuevas ang bagong halal na councilor ng Sangguniang Bayan ng Tanay na si Konsi Roger Catolos na bantog sa bayan na isang taal na sports enthusiast para sa kabataan ,Gng. Theresa C. Cuevas at Sikaran Raven Tanay secretary Nicole Catolos.

Ang malayong narating na ng GSF Sikaran Raven Tanay ay ipinagpasalamat niya sa Tanjuatco political clan sa lalawigan ng Rizal at bayan ng Tanay na walang sawang sumusuporta sa lahat ng pakikipagtunggali ng Raven Sikaran Tanay sa buong kapuluan, dedikasyon ng mga batang Sikaran at kay Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag, founder ng Global Sikaran Federation ba nakabase sa California, USA.

"Palalawigin pa natin ang adbokasiya sa buong bansa at ibayong dagat sa pamamagitan ng walang puknat na kaganapan sa orihinal na traditional sport na Sikaran at ating ipagpapatuloy pa ang winning tradition ng GSF Raven Tanay Sikaran.. Pugay!" ani pa Master Cuevas.

PORMAL na iginawad ni Gilas News editor- in - chief Danny Simon ang plake ng pagkilala (ikalawa mula kanan) kay GSF Raven Sikaran Tanay founding head Master Crisanto Cuevas sa nakaraang GILAS Gabi ng Parangal 2025 awards rite habang nakamasid sina Tanay Councilor Roger Catolos (kaliwa) at GSF RST secretary Nicole Catolos.

Si "Gilas Gabi ng Parangal 2025' awardee GSF Raven Sikaran Tanay chief. Master Crisanto Cuevas kasama sina Gng. Maria Theresa C.Cuevas, Tanay Councilor Roger Catolos (kaliwa) at Gilas News EIC Danny Simon.