Ginintuang performance para kay chesser Kim Y. Zafra ng Pilipinas sa Estonia
BUONG giting na iwinagayway ng Pinoy pride na si Kim Yutangco Zafra ang bandera ng Pilipinas matapos na makamit ang karangalan.
SPORTS
ni Danny Simon
8/21/20252 min read


BUONG giting na iwinagayway ng Pinoy pride na si Kim Yutangco Zafra ang bandera ng Pilipinas matapos na makamit ang karangalan. bilang runner-up sa idinaos na prestihiyosong 6th Paul Keres Memorial Festival 2025 Classic Open B Category na ginanap sa Estonia Resort Hotel and Spa Conference Center sa Parnu, Estonia kamakailan.
Ang tubong Quezon City na chess enthusiast at IT expert sa ibayong dagat na si Zafra ay nakalikom ng 7.5 puntos dahil sa pitong panalo, isang tabla at isang talo sa siyam na laban na isang pambihirang performance para sa isang Pilipino o maging sa mga Asyano.
Hindi mga basta-basta kundi mga de -ranggong European bets ang mga ginitla ni Kim kabilang na ang Latvian,taga Czech Republic,Lithuanian,Estonian,Ukranian habang tumabla siya sa Brazilian.
Isang blunder lang ang nagmantsa sa kanyang imakulada sanang kartada nang di niya gaanong sineryoso ang isang batang nakalaban sa unang round matapos siyang sorpresahin ng kampeon pala sa kanyang age division sa Czech Republic dahilan upang rumesbak siya sa mga sumunod niyang kalaban na pawang mga premyadong manlalaro ng chess sa kanilang bansa sa Europe.
Sa kabila naman ng pagkatalo ng eventual champion kay Kim,
nakuha ni Romet-Renee Merivee ng Estonia ang titulo na may 8.0 puntos sa format na ito ng 90 minuto plus 30 segundo na increment standard time control.
Si Patriks Ivulans ng Latvia at Jegor Dzjuba ng Estonia ay nagtala ng 7.0 puntos bawat isa upang tapusin sa ikatlo at ikaapat na puwesto.
"Inihahandog ko ang aking tagumpay sa aking mga kababayang chess lovers sa Pilipinas at Pinoy sa ibang panig ng daigdig. Isang karangalan na kumatawan sa ating bansa. Sana ay magbigay inspirasyon ito sa aking mga kapwa Pilipino lalo na sa mga kabataan sa aking pinakabagong tagumpay," wika pa ni Zafra na nakabase sa Europa.
"Mistulang ginto na rin ang ika-2 puwesto dahil tinalo ko ang nagkampeon sa huling round. Kung hindi lang sana ako nagkumpyansa sa batang nakalaban sa 1st round, sana ay nanalo ako sa tournament. Ang aking huling iskor ay 7 panalo 1 tabla at 1 talo. Ang iskor ng kampeon ay 8 panalo at 1 talo.
Maraming salamat kay coach Chester Caminong para sa agapay at paghahanda," ani pa Zafra.
Ang ganitong kagitingan ng isang Pilipino na nakikipagtunggali sa ibayong dagat kontra powerhouse na kalaban mula Europe at Latin America ay marapat lang na ipagbunyi at kilalanin ng mga Pilipino,chess kibitzers at sports leaders natin .
Imagine,si Kim ay nagtala ng malaking karangalang di umaasa ng suporta pinansyal pero ang handog niya ay karangalan para sa bansang Pilipinas.
Saludo ang tanghal mula inyong UPPERCUT at lahat ng tagasubaybay ng ating pahayagan para maiparating ito sa NCFP,POC at PSC.. pugay kay chess master Kim Yutangco Zafra..MABUHAY!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato