Gintong medalya sa athletics paglalabanan sa Philippine National Games sa PhilSports
Larga na ngayong araw ang bakbakan ng mga batang atleta sa athletics ng Philippine National Games na gaganapin sa PhilSports Track & Field sa Pasig.
SPORTS
Danny Simon
12/18/20232 min read


Larga na ngayong araw ang bakbakan ng mga batang atleta sa athletics ng Philippine National Games na gaganapin sa PhilSports Track & Field sa Pasig.
May gintong medalya agad ang paglalabanan ngayong umaga at sa hapon sa event na inorganisa at grassroots program ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni Chairman Richard Bachmann.
Sinimulan na kahapon ang eliminations sa chess na ginanap sa GSIS Gymnasium sa Pasay at sa lawn tennis na nilaro sa Olivarez Sports Center and Greenheights Village sa Paranaque City.
Umaasa naman si Bachmann na marami ang makasali para makahanap ng future champions at maging pambato ng Pilipinas sa international competitions.
“I am hoping na maraming batang atleta ang mapipili at makasama sa NSAs natin." saad ni Bachmann.


Nagpakitang gilas agad sa Round 1 ng Standard Chess Women's Division si Olympian WIM Kylen Joy Mordido ng Dasmarinas matapos kalusin si Fatimah Zahra Azote ng Butuan City.
Kabilang sa maagang nagparamdam ng tikas ay sina Francois Marie Magpily ng Mandaluyong, Jerilyn Mae San Diego ng Dasmarinas at Irish Yngayo ng Davao.
Samantala, pormal na binuksan ang 2023 PNG at Batang Pinoy kahapon na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
"Sa aming mga atleta, tandaan ninyo na ang bawat hakbang sa paglalakbay na ito ay isang hakbang tungo sa kadakilaan," hayag ni Bachmann.
Dumalo sa nasabing event sina House Committee on Youth and Sports Cong. at former PSC Chairman Eric Buhain, Cong. JC Abalos, Cong. Faustino Michael Carlos Dy, Senior Deputy Exec. Secretary Hubert Dominic Guevarra, at Chairman of the Senate Committee on Youth and Sports Senator Christopher Lawrence “Bong” Go.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato