Global Sikaran Federation.. PINARANGALAN NG DELANO CITY SA USA
GINAWARAN ng kaukulang rekognisyon ng Delano City ang Global Sikaran Federation ( GSF) kaugnay ng kanilang pagpapakitang-gilas sa NBA Halftime Performers sa Chase Center,California,USA.
SPORTS
Danny Simon
12/21/20231 min read


GINAWARAN ng kaukulang rekognisyon ng Delano City ang Global Sikaran Federation ( GSF) kaugnay ng kanilang pagpapakitang-gilas sa NBA Halftime Performers sa Chase Center,California,USA.
Personal na iginawad ni Delano City Mayor Joe Alindajao kay GSF founder/ president Grandmaster Hero Osias Catolos Banaag ang Certificate of Recognition 'in honor of an outstanding performance at the Golden State Warriors halftime show on November 18,2023 sa formal na seremonya kamakalawa sa Bulwagan ng Pamahalaang Lungsod ng Delano".
Si GM Banaag na nagpalawig ng orihinal na traditional sport na sikaran sa lalawigan ng Rizal sa Pilipinas hanggang sa international na eksena partikular sa Estados Unidos kung saan sa Delano City California nakabase ang Global Sikaran Federation.




“ We really admire and treasure this accolade from our dear City of Delano headed by Mayor Alindajao and Council. This is for our Filipino martial arts enthusiasts worldwide,” wika ni GM Banaag sa kanyang acceptance speech kaagapay sina Master Emman Banaag at Master Crisanto Cuevas.
Ang naturang pasiklab ng mga Pinoy Sikaran sa NBA ay bahagi ng programang pagkilala ng selebrasyon ng Filipino Heritage sa Estados Unidos.
Ikinalugod din ng International Council of Traditional Sports and Games sa Unesco sa pangunguna nina Japan ICTSG executives Baba Yuko at (journalist) Tetsuya Tsuda.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato