IN GOD WE TRUST
GM ANTONIO IPIPRESENTA ANG TROPEO AT MEDALYA KAY KABAYAN MANONG CHAVIT
TATLONG dikit na tagumpay sa internasyunal na entablado ang iniuwi ni Filipino chess grandmaster Rogelio ' Joey Antonio, Jr.
SPORTS
Ni Danny Simon
11/22/20261 min read


TATLONG dikit na tagumpay sa internasyunal na entablado ang iniuwi ni Filipino chess grandmaster Rogelio ' Joey Antonio, Jr.
Ang multi-titled Ilocano pride na si Antonio ay pinagharian ang 34th Erkel Ferenc Memorial Blitz Tournament noong Okubre 27,2026 sa Gyula Hungary.
Tinangghal din siyang kampeon sa 34th Erkel Ferenc Memorial Standard Open Tournament na sumulong mula Okubre 24 hanggang 30 sa naturan ding venue sa Hungary.
Kamakailan ay mulling namayani ang pambatong Pinoy chess icon na si Antonio matapos niyang makopo ang Top Senior Vmjacka Trophy 2026 nitong Nobyembre 8,2026 sa Vmjacka Banja, Serbia na nilahukan ng mga top senior chessers sa Mundo.
" Alay ko ang karangalang ito para sa ating kababayang Pilipino. Maraming salamat sa suporta.
Nais kong ipresenta ang aking tropeo at medalya sa aking idolong kababayan businessman /sportsman Manong Chavit Singson sa lalong madaling panahon", wika ni Philippine Sportswriters Association awardee GM Antonio sa panayam ng Gilas News.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, ParaƱaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
