IN GOD WE TRUST

GM Gonzales ang SecGen…PICHAY PA RIN ANG PREXY NG NCFP!

MISYON ang palakasin ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ang programa nitong maka- produce pa ng mas maraming Grandmaster ngayong taon matapos makakuha ng panibagong mandato si Prospero "Butch" Arreza Pichay Jr. bilang Chairman/President ng nasabing national sports association.

SPORTS

Ni Danny Simon

7/19/20262 min read

MISYON ang palakasin ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) ang programa nitong maka- produce pa ng mas maraming Grandmaster ngayong taon matapos makakuha ng panibagong mandato si Prospero "Butch" Arreza Pichay Jr. bilang Chairman/President ng nasabing national sports association.

Ang dating Kinatawan ng Surigao Del Sur ay muling nahalal para sa kanyang ika-anim na termino sa ginanap na pangkalahatang pagpupulong nitong Sabado sa East Ocean Palace sa Lungsod ng Parañaque.

"Isang karangalan ang muling mahalal bilang Tagapangulo at Pangulo ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP). Nais kong pasalamatan ang mga opisyal at miyembro ng NCFP sa pagtitiwala at pagpanatag ng loob sa aking kakayahang pamunuan ang prestihiyosong samahang ito," pahayag ni Pichay.

"Ipapatuloy namin ang aming hangarin (na makapagluwal ng mga Grandmaster) sa pamamagitan ng pagtutuon sa pagtulong sa mga batang manlalaro na makakuha ng mas mataas na ranggo sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila sa iba't ibang paligsahan," dagdag pa niya.

Sa kabuuan, naka- produce na ang Pilipinas ng 19 na Grandmaster (GM) sa ahedres—18 sa kanila ay mga lalaki at isa ay babaeng GM. Makakatanggap ng malaking tulong si Pichay mula sa ilang bago at pamilyar na mukha sa 15-miyembrong lupon ng NCFP.

Ang iba pang nahalal na opisyal ay sina: dating Gobernador ng Cavite na si Athena Bryana D. Tolentino (Unang Pangalawang Pangulo), Abg. Ruel V. Canobas (Ikalawang Pangalawang Pangulo), dating Senador Emmanuel D. Pacquiao (Ikatlong Pangalawang Pangulo), Gobernador ng Misamis Occidental Henry S. Oaminal Sr. (Pangalawang Pangulo para sa Mindanao), dating Kinatawan ng Bayan Muna party-list na si Neri J. Colmenares (Pangalawang Pangulo para sa Visayas), Kinatawan Carlo Sandro L. Gonzalez (Pangalawang Pangulo para sa Luzon), Punong Lungsod ng Malolos, Bulacan na si Christian D. Natividad (Ingat-Yaman), Hukom Gonzalo Q. Mapili Jr. (Tagapagsuri), Abg. Cresencio V. Aspiras Jr. (Tagapangulo, Komite sa Pagpapaunlad ng Kabataan), Ing. Rey C. Urbiztondo (Tagapangulo, Komite sa mga Titulo at Ranggo), Pangalawang Komisyoner ng Bureau of Immigration na si Abg. Aldwin F. Alegre (Tagapangulo, Komite sa Ugnayang Panlabas), Punong Bayan ng Alicia, Isabela na si Joel Amos P. Alejandro (Tagapangulo, Komite sa Pagpapaunlad ng Batayang Antas), Pangalawang Punong Lungsod ng Olongapo na si Kaye Ann S. Legaspi (Tagapangulo, Komite sa Ahedres ng Kababaihan), at ang Tagapagtatag ng Go For Gold na si Jeremy Randell S. Go (Tagapangulo, Komite sa Pagtataguyod at Insentibo).

Itinalaga naman si Grandmaster Jayson O. Gonzales bilang Kalihim Panlahat / Kalihim ng Korporasyon, habang si Abg. Norieva "Nikki" D. De Vega ay nagsisilbing Tagapayo sa Batas ng pederasyon ng ahedres.

Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.

#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City

Contact us:

09451935742
dasgilas010@gmail.com

Office Hours: 8am-5pm

To God Be the Glory

since 2023

Editor-In-Chief: Danny Simon

Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com

Write your text here...

Write your text here...