GM Joey Antonio, sumagunda sa Spain chessfest
Nasungkit ni Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. ang karangalang runner-up sa pagtatapos ng III Internacional de Ajedrez Cap Negret Chess Championship 50 and above category noong Linggo sa Hotel Cap Negret, Altea, Alicante, Spain.
SPORTS
11/17/20251 min read
Nasungkit ni Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. ang karangalang runner-up sa pagtatapos ng III Internacional de Ajedrez Cap Negret Chess Championship 50 and above category noong Linggo sa Hotel Cap Negret, Altea, Alicante, Spain.
Si Antonio ay nagtala ng 7.0 puntos sa limang panalo at apat na tabla. Kinamtan ni Grandmaster Keith Arkell ng England ang korona sa kompetisyon ng FIDE Standard na may 8.5 puntos sa walong panalo at isang tabla.
Sina Rogerio Sperb Becker ng Brazil, Javier Unciti Juan ng Spain, Bo-Erik Helen ng Finland at Candidate Master Martin Daneri ng Argentina ay nagkasya sa ikatlo hanggang ikaanim na puwesto na may tig-6.0 puntos.
Ang bumubuo sa nangungunang 11 na nakakuha ng tig-5.5 puntos ay sina Paulo Santanna ng Brazil (pampito), FIDE Master Joseph Ryan ng Ireland (pangwalo), International Master Angus J Dunnington ng Scotland (panayam), Pedro Maria Pons ng Spain (pansampu) at Krishnan Sudharsan ng Denmark (panlabing-isa).
Ang paglahok ni Antonio ay sinuportahan ng Philippine Sports Commission (PSC), National Chess Federation of the Philippines (NCFP), Games and Amusement Board (GAB) Chairman Atty. Francisco Rivera, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), na pinamumunuan ni Alejandro “Al” Tengco; PEZA Director General Tereso Panga, Hotel Sogo, Sportsman Christopher "Dong" Cheng, Composite Technology Inc. President and General Manager Ricardo Padrinao, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Mandaluyong City Mayor Carmelita 'Menchie' Aguilar-Abalos at Congresswoman Alexandria “Queenie” Pahati-Gonzales.
“Iniaalay ko ang tagumpay na ito sa lahat ng bumabangon araw-araw upang labanan ang hirap ng buhay, upang maging mas mahusay kaysa kahapon. Sa aking pamilya, aking mga kaibigan, aking mga kamag-anak, aking mga tagahanga, aking bansa at sa Diyos,” ani Antonio, 63 taong gulang, na nagtapos bilang una sa blitz competition ng 33rd FIDE World Senior Blitz Chess Championship na ginanap sa Gallipoli, Italy noong nakaraang linggo. DAS
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09451935742
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato
