GM OSIAS CATOLOS BANAAG BAGONG BISE PRESIDENTE NG IA COMBATIVE SPORT SA BAGONG TAONG 2024
ISA na namang karangalan para sa bansa ang handog ng isang Pilipino sa puso, isip at gawa.
SPORTS
Danny Simon
1/4/20241 min read


ISA na namang karangalan para sa bansa ang handog ng isang Pilipino sa puso, isip at gawa.
Nitong bagong taong 2024, isang taal na Pinoy na nakabase sa Estados Unidos sa katauhan ni Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag ang nahalal sa mataas na posisyon bilang bise presidente ng prestihiyosong International Association of Combative Sports (IACS).
Ang founder/president ng Global Sikaran Federation (Philippines, USA and the world) na si Banaag ay manunungkulan sa Executive Council mula 2023 hanggang 2027 sa North America ayon sa limbag sa certificate - IACS/ec/24/03 na pirmado nina IACS president Master BK Bharat at secretary general Nasrollah Kakawand.
" It's an honor to be elected as high official of the prestigious IACS. This is for our kababayan in the Philippines and America as well," wika ni Catolos Banaag na nakabase na sa Delano City, California USA.
Siya rin ang nagtatag ng tradisyunal na sport na Sikaran sa Tanay, Rizal hanggang sa ito ay lumawig sa buong bansa at sa international na pagkilala sa larangan.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato