IN GOD WE TRUST
GO BICOL NA ANG "YOUNG ARTISTS & ATHLETES GO!"
MAGANDANG balita para sa mga batang alagad ng sining at palakasan (sports) sa Kabikulan.
SPORTS
DANNY SIMON
1/24/20261 min read


MAGANDANG balita para sa mga batang alagad ng sining at palakasan (sports) sa Kabikulan.
Bicol-bound na ang ‘Danisimon Free Arts & Sports Clinic na may temang 'Go young artists and athletes GO' tungong Sorsogon.
Layon ng kaganapang inorganisa ng visual artist at journalist na inyong lingkod ang lumawig pa ang misyong mai-share ang God- given talent para maturuan ng basic na kaalaman sa larangan ng sining ang mga potensyal na mga batang Bicolano at matuto rin ng inisyal na karunungan sa larangan ng palakasan sa iko - conduct na clinic ng mga piling sports experts ng Gilas.
"Start 'em young. Maraming potensyal na kabataan na magiging alagad ng sining at sports na kailangan lang na maturuan at madiskubre. Sa pamamagitan ng aking humble na kakayahan ay posibleng maging realidad ang ating adbokasiya. Salamat sa suporta ng butihing Senator Bong Go. Gayundin kay Doc Chito Collantes PhD ng Hoy Maharlika at CWSS Flames Toronto/Manila. Op kors nariyan ang Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC), Balikbayan Ms. Maharlika Pasay Kitti Kate na staycation sa Naga City na may Medical Mission at Feeding program sa mga Batang Naga City sa Bicol din, kay Mr. Tariq Butt - pres. ng ruling party ng Pakistani Muslims dito sa 'Pinas at CEO ng Phil Pak Trading sa Makati City, at kay Archi Ar Jayzee Celestial..
Mabuhay kayo!
Ang naturang kaganapan ay iko-conduct sa Enero 29, 2026 sa Dapdap, Pilar (Pilartists), Sorsogon. ABANGAN!
LOWCUT: Special shoutout sa ating matikas at magilas na business executive na si G. Jerby Martinez Sumayan na isang successful car enthusiast at namamayagpag na negosyong BARLEY. Ipi-feature ng inyong kakorner ang kanyang success story sa ating susunod na print media ,online at socmed platforms...ABANGAN!
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato ---enjel64@gmail.com
