IN GOD WE TRUST

GO YOUNG ARTISTS & ATHLETES GO BICOL 2026!

DI lamang pang-sports,pang-ARTS pa!

SPORTS

DANNY SIMON

1/8/20262 min read

DI lamang pang-sports, pang -ARTS pa!

Si Senator Christopher Lawrence ‘Bong' Go, kilala sa bansa sa pagiging todo-suporta niya sa larangan ng sports at kalusugan ay sobrang lapit din ng kanyang puso sa larangan ng sining.

Sa kanyang eleganteng tanggapan sa Senate Bldg. ay matutunghayan ang iba’t ibang work of arts tampok ang kanyang lifesize portrait painting na main attraction sa mga panauhing yàot-parito doon.

Kaya nga sobrang pasasalamat ng korner na ito nang kanyang suportahan ang ating noble project na 'Go Young Artists go.. Dannigilas Free Arts & Sports Clinic', isang adbokasiya para sa potensyal na kabataang alagad na ng sining nationwide.

Ngayong pagpasok ng taon 2026, kasado na ang ating project for a cause sa Kabikulan partikular sa lalawigan ng Sorsogon

. Ang tema ng naturang adbokasiya ay 'Batang Dapdap, Dapat matuto habang bata ng Arts and Sports upang mapalawig pa ang ang kanilang talento sa timon ni Danny Simon at suportang todo ni Senator Go.

Kaya nga paborito ng masang Pilipino si SBG dahil sa kanyang malasakit sa kalusugan, sports at sining na taos sa kanyang puso anumang oras, araw, me halalan man o wala.

Ang ating pagtuturo ay kapapalooban ng sharing of basic knowledge in drawing, portraiture,color harmony, lettering, caricature , t-shirt printing. mural and landscape painting etc.

Gaganapin ang arts session sa Bgy. Dapdap sa bayan ng Pilar na bantog sa kanilang pagmamahal sa arts & culture kaya ang mga potential na kid artists and adults ay tinawag nating PILARTISTS.

Swak ang ating pagtuturo sa may baybay ng Dapdap sa Enero 27 dahil sa mahalinang tanawin nito na isang natural artistic scenery kaya dinadayo ng lokal at foreign tourists sa lunang ito ng Kabikulan.

Kasunod ng sesyon sa arts ay ang special event na Basketball , Baseball and Volleyball Clinic para sa mga kabataang tuturuan ng basic sa mga popular na sports sa Pilipinas na basketball, volleyball, baseball atbp.

Go young Artists and Athletes Go! MISMO.

Lowcut: Speaking of Baseball Clinic for Kids , this corner extends an acknowledgment to Mr. Keiji Katayama, businessman sportsman( baseball enthusiast). He‘s a Japanese national based in Manila and helping Pinoy ballers develop the sport of baseball where Filipinos can excel in international competitions.

Thanks Mr. Keiji for donating sports equipment to be used in our sports clinic nationwide. DOMO ARIGATO KEIJI SAN!