IN GOD WE TRUST

GO young artists & athletes GO kasado na sa Gilas -Maharlika Bicol

All systems Go na sa pagdaraos ng buenamanong kaganapan ng Gilas/ Maharlika ngayong bagong taon 2026 ang Free Arts & Sports Clinic para sa mga potensyal na kabataan sa larangan ng sining at sports.

PEOPLE* PLACES* EVENTS

Danny Simon

1/12/20261 min read

All systems Go na sa pagdaraos ng buenamanong kaganapan ng Gilas/Maharlika ngayong bagong taon 2026 ang Free Arts & Sports Clinic para sa mga potensyal na kabataan sa larangan ng sining at sports.

Ang kaganapang may temang GO young artists: athletes GO ay idaraos sa Enero 28, 2026 sa Bgy. Dapdap. Pilar, Sorsogon sa Kabikulan na inaasahahang lalahukan ng mga tinaguriang young PILARTISTS at mga batang mahilig sa larangan ng palakasan.

“ Adbokasiya ng inyong lingkod na i-share ang aking God-given talent bilang alagad ng sining sa mga kabataang may ambisyong bilang artist at atleta sa hinaharap.Ito ay nationwide endeavor for a cause kaya maunang gaganapin ang sesyon sa Bicol, tena sa Dapdap, GO young artist and athletes GO!”,wika ni event organizer Danny Simon ng Tonite Police Files kalakip ng kanyang pasasalamat kay Senate Committee on Sports head Senator Christopher Lawrence ‘Bong Go sa todo suporta niya sa naturang adhikain gayundin ka Doc Chito Collantes PhD ng Hoy Maharlika/CWSS Toronto, Canada/Philippines.

Matuturuan ng libre ang mga bata ng basic knowledge kung paano mag- drawing, painting,lettering, color harmony, t- shirt printing, mural at landcape painting at clinic sa sport na basketball, baseball, volleyball, football, swimming at iba pa.