GO YOUNG ARTISTS AND KID CAGERS GO!

KASADO na ang lahat ng sistema para sa pagdaraos ng adbokasiya ng inyong lingkod na ARTS & SPORTS CLINIC FOR KIDS na may temang GO YOUNG ARTISTS AND KID CAGERS GO!

OPINION

Danny Simon

8/25/20241 min read

KASADO na ang lahat ng sistema para sa pagdaraos ng adbokasiya ng inyong lingkod na ARTS & SPORTS CLINIC FOR KIDS na may temang GO YOUNG ARTISTS AND KID CAGERS GO!

Ang naturang event for a cause ay kapapalooban ng pagtuturo ng Uppercut ng basic arts at mural painting nang libre sa mga batang nangangarap na maging alagad ng sining kalakip din ng pagtuturo ng ating mga kaibigang basketball experts para sa mga kabataang nais matuto nang husto sa larangang paborito ng mga Pilipino.

Ang ating noble endeavour ay umani ng suporta walang iba kundi ating butihing senador ng bansa na si Sen. BONG GO dahil ang sining at sports ay kapwa malapit sa kanyang puso.

Batid din ng paboritong Senador ng Sambayanan na si SBG na ang naturang arts and sports clinic ay makatutulong sa mga kabataan para sa livelihood at pangarap na matupad sa hinaharap.

Ngayon pa lang ay malaking pasasalamat na ang pinararating natin sa ating mahal na Senator Bong Go sa kanyang taos- pusong pagsuporta sa ating adbokasiya na nationwide ang tumbok kada weekend na pagtuturo ng arts at sports para sa kabataan.

Ang unang sigwada ng sports and arts clinic ay raratsada sa balwarte nating Tarlac sa unang bahagi ng Setyembre na susundan sa Norte tapos ay sa Isabela pababa ng Central Luzon tungong NCR, Katagalugan, Kabikolan, Kabisayaan hanggang Kamindanaoan.

Tunay na malayo ang mararating ng noble project na ito....GO YOUNG ARTISTS & KID CAGERS GO!!!

Lowcut: Acknowledgment kina Architect Jayzee G. Celestial, PSBL bosses Christianŕ Ensomo and Nato Agbayani, United We Swim Fred Atienza, Dave Carter ng WAP at Ting "Hotponger Ledesma ng PTTFI.