Gold pa more sa 2025 and beyond.. BAMBOL 'GEM' NG PHILIPPINE SPORTS LEADERSHIP
MAGIGING abala ang susunod na taon mula simula hanggang sa dulo ng kanyang panibagong mandatong kaloob kay Philippine Olympic Committee president Cong. Abraham 'Bambol Tolentino.
SPORTS
Danny Simon
12/13/20241 min read


MAGIGING abala ang susunod na taon mula simula hanggang sa dulo ng kanyang panibagong mandatong kaloob kay Philippine Olympic Committee president Cong.Abraham 'Bambol Tolentino.
Ang naturang pinuno ng Olympic family ng bansa ay malugod na tinuran ang mga nakakalendaryong international events na lalahukan ng Pilipinas kaya't matapos ang holiday season ay popokus na ang mga atleta ng bansa na sasabak bitbit ang bandila ng Pilipinas sa international competitions tulad ng Southeast Asian Games, Winter Olympic Games, World Gàmes at iba pa hangganģ sa susunod na Olympics 2028 sa Los Angeles, California, USA.
"Salamat sa tiwala,nagsalita na ang Board kaya patuloy ang ating working team para sa tagumpay ng ating atleta at karangalan ng bayan," sambit ni POC chìef Tolentino sa kanyang mensahe sa ini-host niyang thanksgiving fellowship sa sports media nitong Martes sa Tagaytay City kung saan ay siyang alkalde ng lungsod.
Si Tolentino na itinuturing na gem ng Philippine sports leadership ay may resibo na sa kanyang panunungkulsn tulad ng makasàysayang first Olyympic gold sa Japan kortesiya ni Pinay weightlifter icon Hidilyn Diaz sa Tokyo Olympics nä sinundan pa ng double gold haul sa Paris Olympics 2024 ni Carlos Yulo ng gymnastics, Asian gold medalist polè vaulter EJ Obiena basketball gold ng Gilas Pilipìnas sa Asiad at overall champion sa Southeast Asian Games.
" Mas komprehensibong future ng national team and I will never let you down!,"pahayag pa ni Bambol.
POC President Bambol Tolentino with POC Media Group
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato