Gold record pa kay Franklin Catera ng Iloilo City sa high jump
GENERAL SANTOS CITY - Umukit ng panibagong record si Franklin Catera ng Iloilo City matapos sikwatin ang gold medal sa boys' high jump event sa 2025 Batang Pinoy Games na ginanap sa Antonio Acharon Sports Complex, kahapon.
SPORTS
10/28/20251 min read
GENERAL SANTOS CITY - Isa pang Gold medal ang nasungkit ni Franklin Catera ng Iloilo City sa boys' high jump event sa 2025 Batang Pinoy Games na ginanap sa Antonio Acharon Sports Complex, kahapon.
Huling taon na ni 17-year-old Catera sa pagsabak sa nasabing event na inorganisa ng Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni Chairman Patrick "Pato" Gregorio pero may iiwanan itong lantay na alaala.
Binura ni 5-foot-11 at estudyante sa Tigbauan National High School, Catera ang sariling record na 1.98 meter na naitala nakaraang taon na edition sa Puerto Princesa, Palawan nang lundagin ang 2.04 meter.
Sinubukan ni Catera ang 2.06m subalit matapos ang dalawang talon ay sumenyas na itong kuntento na sa naisumiteng oras.
"Ang sarap po sa pakiramdam na break ko yung sarili kong record, tinarget ko talaga iyon," masayang sabi ni 5-foot-11, Catera.
Kinalawit ni Prince Jhonrey Macuha ng Masbate ang silver medal habang bronze ang naikuwintas ni Ivan Ver Talplacido ng Manila.
Samantala, nasilo naman ni Markeexia Gail Maiquez ng Pangasinan ang gold medal sa Archery matapos nitong umiskor ng 335 points sa Individual Girls 12yo Recurve 1st Distance na nilaro sa Notre Dame of the Dadiangas University.
Nagwagi din ng ginto si Jan Dwayne Malpas ng Tacloban sa swimming competition Boys 12-13 50LC meter freestyle matapos ipasa ang 26.26 seconds, silver si Jericho Gabriel Santos ng Pampanga, (26.89) habang bronze ang naiuwi ni Maverick Longos ng Cagayan de Oro.
Sa cycling, nanaig si Nathaniel Aquino ng City of Pasig sa Boys 16-17 Individual Road Race habang si Precious Faye Hindap ang pumadyak ng gold medal sa Girls 16-17 Individual Road Race. (EM)
Pumadyak ng gold medal sa Girls 16-17 Individual Road Race si Precious Faye Hindap ng Iloilo City sa Cycling.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09451935742
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
since 2023
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato
