Good News Isabela.. TATLONG ARAW NA HUMANITARIAN MISSION KASADO NA NI FLM SA BAYAN NG RAMON
SA unang pagkakataon ay magdaraos ng tatlong araw na pag-ayuda ang Team FLM sa Hilagang Luzon.
PEOPLE* PLACES* EVENTS
Danny Simon
5/14/20242 min read


SA unang pagkakataon ay magdaraos ng tatlong araw na pag-ayuda ang Team FLM sa Hilagang Luzon.
Lahat ng direksiyon ay nakatuon sa bayan ng Ramon sa darating na Hunyo 11, 12 at 13 upang tumugon sa ikinasang 'Humanitarian Mission' ng tanyag na pilantropo sa bansa na si Francis Leo Marcos mula noon hanggang ngayon.
Sa pakikiisa ng local government unit sa pamumuno ni Ramon Mayor Jesus Laddaran, Konseho ng Bayan, Kapulisan at mga nasa socio-sibikong mamamayan, suporta mula sa FFCI Worldwide sa pamumuno ni global president EO Batalan kaagapay si Chilitita Cabatingan ng Se Mi Di Speranza Foundation ng Cebu ay kasado na ang lahat ng sistema para sa tatlong araw na makataong programa ng orihinal na batang Norte na si FLM tampok dito ang medical mission, libreng konsultasyon, eye check-up, libreng salamin sa mata na aabot sa 5,000 piraso, cash-pabigas at groserya sa masa, feeding program sa mga batang nasa laylayan ng lipunan sa naturang bayan at pamigay na smart phones sa mga pili at deserving at matatalinong estudyante mula sa mga paaralan ng Ramon na mangyayari dahil sa bukal na puso ng batang Marcos sa unang pagkakataon.
FLM
Mayor Laddaran
"Ngayon pa lang, it's all systems go na para sa biggest humanitarian mission sa lalawigan ng Isabela.
Maraming salamat sa kooperasyon ng lahat ng konsernado sa ikatatagumpay ng ating adbokasiya sa Isabela," wika ng doctorate degree holder na si Dr. Francis Leo Antonio Marcos PhD, D' Hum Honoris Causa.
Samantala,sa marubdob na pulong nina FLM at Mayor Laddaran kaugnay ng 'Humanitarian Mission' buong kagalakan at optimistikong pinahayag ng promotor ng Mayaman Challenge na si FLM na sa abot ng makakakaya niya ay aabot ang kanyang ayuda sa Norte pababa ng Central Luzon, NCR, Mimaropa tungong Kabikulan, Kabisayaan hanggang Kamindanaoan.
Pinasalamatan ng batang Marcos ang laging katuwang na FFCI sa buong mundo.
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato