GOV. RAFAEL AGCAOILI KUMPIRMADONG DIPLOMAT NG I'AIDC UNESCO SA FRANCE
PANIBAGONG pagkilala ang iginawad na kauna-unahan para sa isang Pilipino ang tinanggap ni humanitarian champion Rafael Agcaoili ng Pilipinas.
NEWS
Danny Simon
4/3/20241 min read


PANIBAGONG pagkilala ang iginawad na kauna-unahan para sa isang Pilipino ang tinanggap ni humanitarian champion Rafael Agcaoili ng Pilipinas.
Ang prestihiyosong I' Association Internationale de Diplomatie Culturelle-Club français pour I'UNESCO(United Nations Educational Scientific and Cultural Organization) ay kinumpirma ang diplomat status ni Agcaoili - Governor ng Central Luzon Region (CLR) 45- The Fraternal Order of Eagles- Philippine Eagles, Inc. at chairman ng Guardians International Brotherhood Foundation, Inc. (GIBFI).
Ang naturang kumpirmasyon (Confirmation d' adhesion pour N':W25.34 annèe 2024) ay pinagtibay ng lagda ni I'AIDC president Julia Benneti na ang tanggapan ay nakabase sa Salengra 78360 Montesson, France.
"Isang napakalaking karangalan ang kaloob na pagkilala ng prestihiyoso sa mundo tulad nitong (es adherente de) I' AIDC ng UNESCO. Isang bibihirang gawad sa inyong lingkod bilang DIPLOMAT na isang karangalang handog ko sa Sambayanang Pilipino,"sambit ni Agcaoili na isang Acts of Philantropist Awardee,natatanging Pilipino rin na tumanggap ng Humanitarian Award mula World Philosopical Forum sa United Nations.
" Salamat sa award na ito,with or without recognition ay patuloy ang inyong lingkod sa pagserbisyo sa ating less fortunate na kababayan all year round ," ani pa Agcaoili.




CLR45-TFOE-PEI-GIBFI GOV. RAFAEL AGCAOILI
Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato