GSF HEAD GM OSIAS BANAAG MAGKO- COURTESY CALL KAY POC PRESIDENT BAMBOL
TAMPOK na misyon ni Global Sikaran Federation (GSF) founding president Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag sa kanyang bakasyon sa bansa ay ang makadaupang-palad si Philippine Olympic Committee (POC) president (Cong) Abraham 'Bambol' Tolentino (Alkalde ng Tagaytay City).
SPORTS
Danny Simon
2/24/20241 min read


TAMPOK na misyon ni Global Sikaran Federation (GSF) founding president Grandmaster Hari Osias Catolos Banaag sa kanyang bakasyon sa bansa ay ang makadaupang-palad si Philippine Olympic Committee (POC) president (Cong) Abraham 'Bambol' Tolentino (Alkalde ng Tagaytay City).
Kaugnay ito nang matagal na niyang adhikain ng kaukulang rekognisyon ng POC bilang kapamilya o bilang isang national sports association (NSA) ang kanilang organisasyong Sikaran na itinatag ni GM Banaag sa balwarte niyang Tanay sa lalawigan ng Rizal.


POC pres. Bambol Tolentino


"We deserved to be recognized. Sinimulan ko itong ipakilala sa POC noong panahon ng pamunuan ni G. Jose 'Peping' Cojuangco pero hindi naaksiyunan. Hanggang sa nag-expand ang Sikaran ng Pilipinas sa mundo na naging Global Sikaran Federation ( GSF)na nag-base sa Estados Unidos," wika ni GM Banaag.
"Optimistiko tayo na sa pamumuno ni POC president Bambol Tolentino ay matutupad na ang adhikain nating rekognisyon bilang isang NSA", ani pa Banaag.
Kaugnay ng kanyang pagbabalik-bayan, ang prestihiyosong award giving body sa bansa na Bayanihan Heroes of FMA ay gagawaran ng Sining Panlaban ng Pilipinas award si GSF founding president GM Hari Osias Catolos Banaag, Master Emmanuel Banaag at iba pang Sikaran enthusiasts ngayong Linggo ng gabi ( Pebrero 25)sa The Heritage, Manila.
Ang naturang okasyon ay dadaluhan ni Senate president (Philippine Eskrima Kali Arnis Federation) head Sen. Juan Miguel Zubiri.


Address:
Raedang International Builder and Developer, Inc.
#81 Andamiro Bldg. A. Santos Ave., Sucat, Parañaque City
Contact us:
09395584762
dasgilas010@gmail.com Office Hours: 8am-5pm
To God Be the Glory
Editor-In-Chief: Danny Simon
Editor: Enjel Manato